15 Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan, ni ang mga bagay na nasa sanlibutan. Kung ang sinuman ay umiibig sa sanlibutan, ang pag-ibig ng Ama ay wala sa kaniya16 sapagkat ang lahat ng nasa sanlibutan, ang masamang-nasa ng laman, ang masamang-nasa ng mga mata at ang kapalaluan sa buhay ay hindi mula sa Ama kundi mula sa sanlibutan.17 Lumilipas ang sanlibutan at ang masamang-nasa nito ngunit ang sinumang gumagawa ng kalooban ng Diyos ay nananatili magpakailanman.