46 Si Jesus ay muling pumunta sa Cana ng Galilea kung saan ay ginawa niyang alak ang tubig. Naroroon ang isang opisyal ng hari na ang kaniyang anak na lalaki, na nasa Capernaum, ay maysakit.47 Pagkarinig niya na si Jesus ay dumarating sa Galilea mula sa Judea, pumunta siya kay Jesus at hiniling na siya ay pumunta at pagalingin ang kaniyang anak na lalaki na malapit nang mamatay.48 Kaya sinabi sa kaniya ni Jesus, “Maliban na makakita kayo ng mga tanda at mga kamangha-manghang gawa, hinding-hindi kayo sasampalataya.”49 Sinabi sa kaniya ng opisyal ng hari, “Ginoo, pumunta ka na bago mamatay ang aking batang anak.”50 Sinabi sa kaniya ni Jesus, “Humayo ka, buhay ang anak mong lalaki.” Sinampalatayanan ng lalaki ang salitang sinabi ni Jesus sa kaniya at siya ay umalis.51 Nang siya ay paparating na, sinalubong siya ng kaniyang mga alipin at ibinalita nila na sinasabi, “Buhay ang iyong anak!”52 Tinanong niya sila kung anong oras siyang bumuti. Kanilang sinabi sa kaniya, “Kahapon nang ikapitong oras nawala ang kaniyang lagnat.”53 Kaya nalaman ng ama na sa ganoong oras nang sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ang iyong anak na lalaki ay buhay.” Kaya siya ay sumampalataya at ang kaniyang buong sambahayan.