9 Ang sinumang nagsasabi na siya ay nasa liwanag ngunit namumuhi sa kaniyang kapatid ay nasa kadiliman pa hanggang sa ngayon.10 Ang sinumang umiibig sa kaniyang kapatid ay nananatili sa liwanag at sa kaniya ay walang katitisuran.11 Ngunit ang sinumang napopoot sa kaniyang kapatid ay nasa kadiliman. Siya ay lumalakad sa kadiliman at hindi pa niya nalalaman kung saan siya tumutungo sapagkat ang kadilimang iyon ang bumulag sa kaniyang mga mata.