31 “At kapag ang Anak ng Tao ay darating sa kaniyang kaluwalhatian at ang lahat ng mga banal na anghel ay kasama niya, sa panahong iyon siya ay uupo sa trono ng kaniyang kaluwalhatian.
Psalm 24
7 Itaas ninyo ang inyong mga ulo, Oh kayong mga pintuang-bayan; at kayo'y mangataas, kayong mga walang hanggang pintuan: at ang hari ng kaluwalhatian ay papasok.8 Sino ang Hari ng kaluwalhatian? Ang Panginoong malakas at makapangyarihan, ang Panginoong makapangyarihan sa pagbabaka.9 Itaas ninyo ang inyong mga ulo, Oh kayong mga pintuang-bayan; Oo, magsitaas kayo, kayong mga walang hanggang pintuan: at ang hari ng kaluwalhatian ay papasok.10 Sino itong Hari ng kaluwalhatian? Ang Panginoon ng mga hukbo, siya ang Hari ng kaluwalhatian. (Selah)
Revelation 1
7 Narito, siya ay dumarating kasama ng mga ulap at siya ay makikita ng bawat mata at niyaong mga tumusok sa kaniya, at ang lahat ng mga lipi sa daigdig ay tatangis dahil sa kaniya. Oo! Siya nawa.