54 Ngunit nang narinig nila ang mga bagay na ito, nag-alab ang galit sa kanilang mga puso at nagngalit ang kanilang mga ngipin laban kay Esteban.55 Subalit siya, na puspos ng Banal na Espiritu, nang tumingala siyang nakatuon sa langit ay nakita niya ang kaluwalhatian ng Diyos, at si Jesus na nakatayo sa bahaging kanan ng Diyos.56 Kaya sinabi niya, “Narito, Nakikita kong nabuksan na ang kalangitan at ang Anak ng Tao ay nakatayo sa bahaging kanan ng Diyos!”57 Kaya sumigaw sila na may malakas na tinig, tinakpan nila ang kanilang mga tainga at nagkakaisa nilang sinugod si Esteban.58 Nang siya ay naitaboy nila palabas sa lungsod, siya ay kanilang pinagbabato, at inilagay ng mga saksi ang kanilang mga damit malapit sa paanan ng kabataan na tinatawawag na Saulo.59 At pinagbabato nila si Esteban habang siya ay tumatawag at sinasabi, “Panginoong Jesus, tanggapin mo ang aking espiritu.”60 Pagkatapos nito, habang siya ay nakaluhod, siya ay sumigaw na may malakas na tinig, “Panginoon, huwag mo nawang ipataw sa kanila ang kasalanang ito.” Pagkasabi niya nito, siya ay namatay.