3 “Ako nga ay isang lalaking Judio na ipinanganak sa Tarso ng Cilicia ngunit pinalaki sa lungsod na ito sa paanan ni Gamaliel, na naturuan ayon sa mahigpit na kautusan ng ating mga ninuno, at may kasigasigan sa Diyos katulad din ninyong lahat ngayon.4 At pinagmalupitan ko ang Daan na ito hanggang sa kamatayan, sa pamamagitan ng panggagapos at pagdadala ng mga lalaki at ng mga babae sa mga bilangguan5 katulad din ng pagpapatotoo sa akin ng pinakapunong saserdote at ng lahat ng matatanda kung kanino ko tinanggap ang mga sulat patungkol sa mga kapatid. Ako ay naglakbay patungong Damasco upang ang mga iginapos doon ay maidala ko sa Jerusalem upang sila ay maparusahan.
Acts 26
9 “Ako rin nga mismo ay nag-iisip na dapat akong gumawa ng maraming mga bagay laban sa pangalan ni Jesus na taga-Nazaret,10 ganoon din ang ginawa ko sa Jerusalem. Kaya ang marami sa mga banal ay ikinulong ko sa bilangguan pagkatapos kong tanggapin ang kapamahalaan mula sa mga punong saserdote, at kapag sila ay ipinapapatay, ibinibigay ko ang aking pagsang-ayon.11 At sa lahat ng mga sinagoga, habang sila ay madalas kong pinaparusahan, pinipilit ko silang maglapastangan. At dahil sa aking sukdulang galit sa kanila, sila ay pinagmamalupitan ko kahit hanggang sa malayong mga lungsod.
Acts 9
1 Ngunit si Saulo, na nag-aalab sa pagbabanta at pagpatay sa mga alagad ng Panginoon, ay pumaroon sa pinakapunong saserdote.2 Humiling siya ng mga sulat para sa mga sinagoga sa Damasco upang kung matagpuan niya ang sinumang mga lalaki at mga babaing kaanib sa Daan, sila ay madala niyang nakagapos patungo sa Jerusalem.