7 Kaya sa inyo na mga sumasampalataya, siya ay mahalaga, ngunit sa kanila na masuwayin, “Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ang siyang naging ulo ng panulok,” Awi 118:22
Acts 4
10 alamin ninyong lahat at ng buong bayan ng Israel, na sa pamamagitan ng pangalan ni Jesu-Cristo na taga-Nazaret, na inyong ipinako sa krus, na ibinangon ng Diyos mula sa mga patay, sa pamamagitan niya ang lalaking ito ay nakatayo sa inyong harapan na magaling na.11 Siya ang ‘bato na hinamak ninyo na mga tagapagtayo, siya ang naging ulo ng panulok.’ Awi 118:2212 At wala ng ibang kaligtasan sa kanino man sapagkat wala ng ibang pangalan sa ilalim ng langit na ibinigay sa mga tao na dapat nating ikaligtas.”
Daniel 2
34 Iyong tinitingnan hanggang sa may natibag na isang bato, hindi ng mga kamay, na tumama sa larawan sa kaniyang mga paang bakal at putik na luto, at mga yao'y binasag.35 Nang magkagayo'y ang bakal, ang putik na luto, ang tanso, ang pilak, at ang ginto ay nagkaputolputol na magkakasama, at naging parang dayami sa mga giikan sa tagaraw; at tinangay ng hangin na walang dakong kasumpungan sa mga yaon: at ang bato na tumama sa larawan ay naging malaking bundok, at pinuno ang buong lupa.
Luke 20
17 At sila ay kaniyang tiningnan at sinabi, “Ano nga itong nasusulat, ‘Ang batong ito na tinanggihan ng mga tagapagtayo, ito ay naging ulo ng panulok’? Awi 118:2218 Ang bawat isang babagsak sa batong iyon ay magkakapira-piraso, ngunit ang sinumang mabagsakan nito ay magkakadurug-durog.”
Mark 12
10 Hindi ba ninyo nabasa ang Kasulatang ito? ‘Ang bato na itinakwil ng mga tagapagtayo, ito ang naging ulo ng panulok.11 Ito ay ginawa mismo ng Panginoon at ito ay kamangha-mangha sa ating mga mata.’ ” Awi 118:22-23
Psalm 118
22 Ang bato na itinakuwil ng nangagtayo ng bahay ay naging pangulo sa sulok.