28 At sila ay papalapit na sa nayon na kanilang pupuntahan at ipinahiwatig niyang malayo pa ang pupuntahan niya.29 Ngunit siya ay pinilit nila na sinasabi, “Manatili kang kasama namin sapagkat gumagabi na at lumipas na ang araw.” At siya ay pumasok upang manatiling kasama nila.30 At nangyari, na sa kaniyang pagdulog sa hapag-kainan na kasama nila, kinuha niya ang tinapay at pinagpala ito at pagkaputul-putol niya, ito ay ibinigay niya sa kanila.