18 Samantalang sinasabi ni Jesus ang mga bagay na ito sa kanila, narito, dumating ang isang pinuno na sumasamba sa kaniya at nagsasabi, “Kamamatay pa lamang ng aking anak na babae ngunit sumama ka sa akin at ipatong mo ang iyong kamay sa kaniya at siya ay mabubuhay.”19 Kaya si Jesus ay tumindig at sumama sa kaniya gayundin ang kaniyang mga alagad.20 At narito, isang babaing labindalawang taon nang dinudugo ang lumapit sa kaniya, mula sa likuran, at hinawakan ang laylayan ng kaniyang damit21 sapagkat sinabi ng babae sa kaniyang sarili, “Kapag mahawakan ko lamang ang kaniyang damit, ako ay gagaling.”22 Ngunit si Jesus ay lumingon at pagkakita niya sa babae ay sinabi niya, “Anak, lakasan mo ang iyong loob, pinagaling ka ng iyong pananampalataya.” At ang babae ay gumaling mula sa oras ding iyon.23 Nang si Jesus ay dumating sa bahay ng pinuno at nakita niya ang mga tumutugtog ng plawta at ang napakaraming tao na nagkakagulo,24 sinabi niya sa kanila, “Lumabas kayo sapagkat ang batang babae ay hindi namatay kundi natutulog lamang.” At siya ay kanilang pinagtawanan.25 At nang napalabas na ang napakamaraming tao, siya ay pumasok at hinawakan niya ang kamay nito at ang batang babae ay bumangon.26 At ang katanyagan nito ay lumaganap sa buong lupaing iyon.