4 Ngunit si Pedro, na kasama si Juan, nang siya ay tumitig sa kaniya ay nagsabi, “Tumingin ka sa amin.”5 Kaya sila ay kaniyang binigyang pansin sa pag-asang siya ay tatanggap ng anumang bagay mula sa kanila.6 Gayunpaman, sinabi ni Pedro, “Wala akong tinataglay na pilak at ginto, ngunit anuman ang nasa akin, ito ang ibinibigay ko sa iyo. Sa pangalan ni Jesu-Cristo na taga-Nazaret, tumindig ka at lumakad ka.”