17 Therefore, if anyone is in Christ, he is a new creation. The old has passed away; behold, the new has come.
Colossians 3
12 Kaya, bilang mga pinili ng Diyos, mga banal at minamahal, isuot ninyo ang kalooban na mahabagin, kabutihan, kapakumbabaan, kaamuan at pagtitiis.13 Magbatahan kayo sa isa't isa at magpatawaran kayo sa isa't isa, kapag ang sinuman ay mayroong hinaing laban sa kaninuman, kung paanong kayo ay pinatawad ni Cristo, gayundin kayo magpatawad.14 Ngunit higit sa lahat ng mga bagay na ito, isuot ninyo ang pag-ibig na siyang bigkis ng pagiging-ganap.15 At hayaan ninyong maghari ang kapayapaan ng Diyos sa inyong mga puso, kung saan kayo ay tinawag din sa isang katawan, kaya kayo ay maging mapagpasalamat.
Ezekiel 18
31 Inyong iwaksi ang lahat ninyong pagsalangsang, na inyong isinalangsang: at kayo'y magbagong loob at magbagong diwa: sapagka't bakit kayo mamamatay, Oh angkan ni Israel?32 Sapagka't wala akong kasayahan sa kamatayan niya na namamatay, sabi ng Panginoong Dios: kaya't magsipagbalik-loob kayo, at kayo'y mangabuhay.
Ezekiel 36
25 At ako'y magwiwisik ng malinis na tubig sa inyo, at kayo'y magiging malinis: sa buo ninyong karumihan, at sa lahat ninyong mga diosdiosan, lilinisin ko kayo.26 Bibigyan ko rin naman kayo ng bagong puso, at lalagyan ko ang loob ninyo ng bagong diwa; at aking aalisin ang batong puso sa inyong katawan, at aking bibigyan kayo ng pusong laman.27 At aking ilalagay ang aking Espiritu sa loob ninyo, at palalakarin ko kayo ng ayon sa aking mga palatuntunan, at inyong iingatan ang aking mga kahatulan, at isasagawa.28 At kayo'y magsisitahan sa lupain na ibinigay ko sa inyong mga magulang; at kayo'y magiging aking bayan, at ako'y magiging inyong Dios.
Isaiah 60
1 Ikaw ay bumangon, sumilang ka: sapagka't ang iyong liwanag ay dumating, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay sumikat sa iyo.
Matthew 5
16 Pagliwanagin ninyo sa ganitong paraan ang inyong ilaw sa harapan ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at luluwalhatiin nila ang inyong Ama na nasa langit.
Philippians 2
15 upang kayo ay maging mga walang kapintasan at walang dungis, mga anak ng Diyos na walang maipaparatang sa gitna ng lahing liko at lihis, upang magliwanag kayo sa kanila bilang mga ilaw sa sanlibutan,