22 Siya ay nasa bahaging kanan ng Diyos nang siya ay umakyat sa langit, at ipinasakop sa kaniya ang mga anghel at ang mga kapamahalaan at ang mga kapangyarihan.
Acts 2
32 Ang Jesus na ito ay muling binuhay ng Diyos at kaming lahat ay kaniyang mga patotoo.33 Kaya nang siya ay dinakila sa kanang kamay ng Diyos, at nang tinanggap niya ang pangako ng Banal na Espiritu mula sa Ama, ito ay kaniyang ibinuhos at ngayon ay inyo itong nakikita at naririnig.
Acts 5
31 Siya, ang Pinakapinuno at ang Tagapagligtas, ay itinaas ng Diyos sa kaniyang kanang kamay upang pagkalooban ng pagsisisi ang Israel at kapatawaran ng mga kasalanan.
Hebrews 2
9 Subalit nakikita natin si Jesus, na sa maikling panahon ay ginawa siyang mababa kaysa sa mga anghel dahil sa paghihirap sa kamatayan, na pinutungan ng kaluwalhatian at ng karangalan, upang sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos ay matikman niya ang kamatayan para sa lahat ng tao.
Isaiah 52
13 Behold, my servant shall act wisely; he shall be high and lifted up, and shall be exalted.
Mark 16
19 Kaya nga, pagkatapos magsalita ang Panginoon sa kanila, siya ay dinalang paitaas sa langit at umupo sa bahaging kanan ng Diyos.
Philippians 2
9 At dahil dito, siya ay lubhang itinaas ng Diyos at ibinigay sa kaniya ang pangalang nakahihigit sa lahat ng pangalan,10 upang sa pangalan ni Jesus ay luluhod ang bawat tuhod ng mga nasa langit, ng mga nasa lupa at ng mga nasa ilalim ng lupa,11 at upang ipahayag ng bawat dila na si Jesu-Cristo ang Panginoon, para sa kaluwalhatian ng Diyos Ama.