7 Subalit sa mga araw ng tinig ng ikapitong anghel, nang malapit na niyang patunugin ang trumpeta, ang hiwaga rin ng Diyos ay magaganap katulad ng kaniyang pagpahayag ng ebanghelyo sa kaniyang mga alipin na mga propeta.
Revelation 11
15 At pinatunog ng pampitong anghel ang trumpeta at nagkaroon ng malakas na mga tinig sa langit na nagsasabi, “Ang mga kaharian ng sanlibutan ay naging sa Panginoon natin at ng kaniyang Cristo at siya ay maghahari magpakailan pa man.”16 At ang dalawampu't apat na matatanda, yaong mga nakaupo sa kanilang mga luklukan sa harapan ng Diyos, ay nagpatirapa at sila ay sumamba sa Diyos,17 na sinasabi, “O Panginoon, Diyos na Makapangyarihan sa lahat, na siya ang kasalukuyan at siya ang nakaraan at siya ang darating, kami ay nagpapasalamat sa iyo sapagkat kinuha mo ang iyong dakilang kapangyarihan at ikaw ay naghahari na.18 At ang mga bansa ay labis na nagalit, at dumating ang iyong poot at ang panahon ng mga patay upang hatulan at upang ibigay ang mga gantimpala sa iyong mga alipin na mga propeta at sa mga banal at sa kanila na may banal na pagkatakot sa iyong pangalan, sa mga hindi dakila at sa mga dakila, at upang pinsalain yaong mga pumipinsala sa daigdig.”19 At ang banal na dako ng templo ng Diyos sa langit ay nabuksan at ang kaniyang kaban ng tipan ay nakita sa kaniyang banal na dako ng templo, at nagkaroon ng mga kidlat at mga tinig at mga kulog at lindol at malaking ulan ng yelo.