1 At nakita kong bumababa mula sa langit ang isa pang malakas na anghel na nadaramtan ng ulap. At ang bahaghari ay nasa kaniyang ulo at ang kaniyang mukha ay katulad ng araw at ang kaniyang mga paa ay katulad ng mga haligi ng apoy.2 At sa kaniyang kamay ay may isang maliit na balumbon na nakabukas, at ang kaniyang kanang paa ay itinuntong niya sa dagat ngunit ang kaliwa ay sa lupa,3 at siya ay sumigaw ng malakas na tinig na katulad ng leong umaatungal. At nang siya ay sumigaw, ang pitong kulog ay nagsalita sa kani-kanilang mga tinig.4 At nang nagsalita ang pitong kulog sa kani-kanilang mga tinig, ako ay magsusulat na sana ngunit narinig ko ang isang tinig mula sa langit na nagsasabi sa akin, “Selyuhan mo yaong mga bagay na sinabi ng pitong kulog at huwag mong isulat ang mga ito.”5 At ang anghel na nakita kong nakatayo sa dagat at sa lupa ay nagtaas ng kaniyang kamay sa langit,6 at siya ay sumumpa sa pamamagitan niyaong nabubuhay magpakailan pa man, na siyang lumikha ng langit at ng mga bagay na naroroon, at ng lupa at ang mga bagay na naroroon, at ng dagat at ang mga bagay na naroroon, na ang panahon ay hindi na magtatagal.7 Subalit sa mga araw ng tinig ng ikapitong anghel, nang malapit na niyang patunugin ang trumpeta, ang hiwaga rin ng Diyos ay magaganap katulad ng kaniyang pagpahayag ng ebanghelyo sa kaniyang mga alipin na mga propeta.8 At ang tinig na aking narinig mula sa langit ay muling nagsalita sa akin at sinasabi, “Humayo ka, kunin mo ang nakabukas na maliit na balumbon sa kamay ng anghel na siyang nakatuntong sa ibabaw ng dagat at sa ibabaw ng lupa.”9 At ako ay pumunta sa anghel at sinabi sa kaniya, “Ibigay mo sa akin ang munting aklat.” At sinabi niya sa akin, “Kunin mo at kainin ito, at gagawin nitong mapait ang iyong tiyan ngunit ito ay magiging matamis katulad ng pulot sa iyong bibig.”10 At kinuha ko ang maliit na balumbon mula sa kamay ng anghel at ito ay kinain ko at ito ay matamis katulad ng pulot sa aking bibig, ngunit pagkatapos ko itong kainin, naging mapait ang aking tiyan.11 At sinabi niya sa akin, “Ikaw ay kailangan na muling maghayag sa mga tao at sa mga bansa at sa mga wika at sa maraming hari.”
Revelation 10
1 At nakita kong bumababa mula sa langit ang isa pang malakas na anghel na nadaramtan ng ulap. At ang bahaghari ay nasa kaniyang ulo at ang kaniyang mukha ay katulad ng araw at ang kaniyang mga paa ay katulad ng mga haligi ng apoy.2 At sa kaniyang kamay ay may isang maliit na balumbon na nakabukas, at ang kaniyang kanang paa ay itinuntong niya sa dagat ngunit ang kaliwa ay sa lupa,3 at siya ay sumigaw ng malakas na tinig na katulad ng leong umaatungal. At nang siya ay sumigaw, ang pitong kulog ay nagsalita sa kani-kanilang mga tinig.