6 At ang mga lungsod ng Sodoma at Gomora na tinupok ng apoy na hinatulan sa pagkawasak ang ginawa nilang halimbawa sa mga mamumuhay nang hindi makadiyos,
Deuteronomy 29
23 At ang buong lupaing yaon ay asupre, at asin, at sunog, na hindi nahahasikan, at walang ibubunga, ni walang tumutubong damo, na gaya ng nangyari sa pagkagiba ng Sodoma at Gomorra, Adma at Seboim, na giniba ng Panginoon sa kaniyang kagalitan at sa kaniyang maningas na pagiinit;
Genesis 19
24 Nang magkagayo'y nagpaulan ang Panginoon sa Sodoma at Gomorra ng azufre at apoy mula sa Panginoon na buhat sa langit;
Jeremiah 50
40 Kung paanong sinira ng Dios ang Sodoma at Gomorra at ang mga kalapit bayan ng mga yaon, sabi ng Panginoon, gayon hindi tatahan doon ang sinoman, o tatahan man doon ang sinomang anak ng tao.
Jude 1
7 Kung paanong ang Sodoma at Gomora at sa kanilang mga kalapit na lungsod, na sa gayun ding paraan ay nagpakabuyo sila sa pakikiapid at sinundan ang mahalay na pagnanasa sa ibang laman, ay inilagay na halimbawa sa atin nang sila ay dumanas ng parusa ng apoy na walang hanggan.
Luke 10
12 Subalit sinasabi ko sa inyo na lalo pang madaling tiisin ang parusa sa Sodoma sa araw na iyon kaysa sa lungsod na iyon.”
Luke 17
29 Ngunit sa araw na si Lot ay lumabas mula sa Sodoma, umulan ng apoy at asupre mula sa langit at silang lahat ay napahamak.
Psalm 11
6 Sa masama ay magpapaulan siya ng mga silo; apoy at azufre at nagaalab na hangin ay magiging bahagi ng kanilang saro.