16 sapagkat sa pamamagitan niya ay nilikha ang lahat ng mga bagay sa kalangitan at sa lupa, mga bagay na nakikita at hindi nakikita, ito man ay mga trono, o mga pagkapanginoon, o mga pamumuno, o mga pamamahala. Ang lahat ay nilikha sa pamamagitan niya at para sa kaniya.17 At siya ang una sa lahat at sa pamamagitan niya ay nananatiling buo ang lahat.
Colossians 2
8 Mag-ingat kayo, upang walang sinumang bumihag sa inyo sa pamamagitan ng pilosopiya at ng walang kabuluhang panlilinlang ayon sa kaugalian ng mga tao, ayon sa mga pangsaligang-katuruan ng sanlibutan at hindi ayon kay Cristo
Jeremiah 9
23 Ganito ang sabi ng Panginoon, Huwag magmapuri ang pantas sa kaniyang karunungan, o magmapuri man ang makapangyarihan sa kaniyang kapangyarihan, huwag magmapuri ang mayaman sa kaniyang kayamanan;24 Kundi magmapuri sa ganito ang lumuluwalhati, na kaniyang nauunawa, at kaniyang nakikilala ako, na ako ang Panginoon na nagsasagawa sa lupa ng kagandahang-loob, kahatulan at katuwiran; sapagka't sa mga bagay na ito ay nalulugod ako, sabi ng Panginoon.
Job 38
4 Saan ka nandoon nang ilagay ko ang mga patibayan ng lupa? Ipahayag mo, kung mayroon kang unawa.