36 Let all the house of Israel therefore know for certain that God has made him both Lord and Christ, this Jesus whom you crucified.”
Galatians 2
20 Ako ay ipinako sa krus na kasama ni Cristo ngunit ako ay nabubuhay, subalit hindi ako ang nabubuhay kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin. At ang buhay na ipinamumuhay ko ngayon sa laman ay ipinamumuhay ko sa pananampalataya sa Anak ng Diyos na siyang umibig sa akin at nagbigay ng kaniyang sarili para sa akin.
John 14
6 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ako ang Daan, ang Katotohanan at ang Buhay. Walang sinumang makakapunta sa Ama maliban sa pamamagitan ko.
John 3
16 sapagkat sa ganitong paraan ay inibig ng Diyos ang sangkatauhan kaya ipinagkaloob niya ang kaniyang bugtong na Anak upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Luke 23
33 At nang sila ay dumating sa dakong tinatawag na Bungo, doon siya ay kanilang ipinako sa krus at ang mga salarin, ang isa nga ay sa bahaging kanan at ang isa ay sa bahaging kaliwa.
Matthew 27
46 At nang bandang ikasiyam na ang oras si Jesus ay sumigaw sa malakas na tinig na sinasabi, “Eli, Eli, lama sabachthani?” na ang ibig sabihin ay “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?” Awi 22:1
Matthew 27
54 Ngunit nang nakita ng senturion at sila na mga kasama niyang nagbabantay kay Jesus ang lindol at ang mga nangyari, sila ay labis na natakot, na nagsasabi, “Totoong siya ang Anak ng Diyos.”
Romans 6
6 Yamang nalalaman natin na ang ating dating pagkatao ay kasama niyang napako sa krus upang mapawalang-bisa ang katawan ng kasalanan, wala ng dahilan upang tayo ay magiging alipin pa ng kasalanan