Kymmenen käskyä - Red
| Secondary Keywords | batas Hebrew hugis pag-ibig pula puso sampu utos |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | 1 John 2:3 1 John 5 2 John 1:6 Exodus 20 John 14:21 Juan 14:15 Juan 14:23 Juan 15:10 Psalms 119:113 Psalms 119:163 Psalms 119:97 Romans 13:9 Romans 7:22 1 John 23 Sa pamamagitan nito, nalalaman natin na siya ay kilala na natin kung tinutupad natin ang kaniyang mga utos. 1 John 51 Ang bawat isang sumasampalataya na si Jesus ang Cristo, siya ay ipinanganak na mula sa Diyos, at ang bawat isang umiibig sa kaniya na pinagmulan ng kapanganakan ay umiibig din sa ipinanganak na mula sa Diyos. 2 Sa pamamagitan nito ay nalalaman natin na iniibig natin ang mga anak ng Diyos kapag iniibig natin ang Diyos at tinutupad natin ang kaniyang mga utos, 3 sapagkat ito ang pag-ibig ng Diyos, upang ating tuparin ang kaniyang mga utos at ang kaniyang mga utos ay hindi mabigat. 4 Dahil ang bawat isang ipinanganak mula sa Diyos ay nagtatagumpay sa sanlibutan, at ito ang pagtatagumpay ng isang matagumpay sa sanlibutan: ang ating pananampalataya. 5 Sino ang mapagtagumpay sa sanlibutan? Hindi ba siya na sumasampalataya na si Jesus ang Anak ng Diyos? 6 Siya itong pumarito sa pamamagitan ng tubig at dugo, si Jesus, ang Cristo na pumarito hindi sa pamamagitan ng tubig lamang kundi sa pamamagitan ng tubig at dugo. At ang Espiritu ang siyang nagpapatotoo sapagkat ang Espiritu ay katotohanan. 7 May tatlong nagpapatotoo sa langit, ang Ama, ang Salita, ang Banal na Espiritu. Ang tatlong ito ay isa. 8 At may tatlong nagpapatotoo sa lupa, ang Espiritu, ang tubig at ang dugo. Ang tatlong ito ay nagkakaisa. 9 Kung tinatanggap natin ang patotoo ng mga tao, higit pa ang patotoo ng Diyos sapagkat ito ang patotoo ng Diyos na pinatotohanan na niya patungkol sa kaniyang Anak. 10 Siya na sumasampalataya sa Anak ng Diyos ay nagtataglay ng patotoo sa kaniyang sarili. Siya na hindi sumasampalataya sa Diyos, ginawa na niyang sinungaling ang Diyos sapagkat hindi niya sinampalatayanan ang patotoo na pinatotohanan na ng Diyos patungkol sa kaniyang Anak. 11 At ito ang patotoo, na tayo ay binigyan ng Diyos ng buhay na walang hanggan at ang buhay na ito ay nasa kaniyang Anak. 12 Siya na kinaroroonan ng Anak ay kinaroroonan ng buhay. Siya na hindi kinaroroonan ng Anak ng Diyos ay hindi kinaroroonan ng buhay. 13 Isinulat ko ang mga bagay na ito sa inyo na sumasampalataya sa pangalan ng Anak ng Diyos upang inyong malaman na kayo ay mayroong buhay na walang hanggan at upang kayo ay sumampalataya sa pangalan ng Anak ng Diyos. 14 At ito ang lakas ng loob na mayroon tayo sa harap niya, na kapag humiling tayo ng anumang bagay ayon sa kaniyang kalooban, dinirinig niya tayo. 15 At kapag alam na natin na dinirinig niya tayo, anuman ang hilingin natin ay alam na natin na mayroon tayong katugunan sa mga kahilingan na hiniling na natin sa kaniya. 16 Kapag makita ng sinuman ang kaniyang kapatid na nagkakasala ng kasalanang hindi ikamamatay, siya ay hihiling at siya ay bibigyan ng Diyos ng buhay. Ito ay para sa kanila na nagkakasala ng kasalanang hindi ikamamatay. Mayroong kasalanang ikamamatay, hindi ko sinasabing ipanalangin niya ito. 17 Ang lahat ng kalikuan ay kasalanan at may kasalanang hindi ikamamatay. 18 Alam natin na ang bawat ipinanganak mula sa Diyos ay hindi nagpapatuloy sa kasalanan. Sa halip, siya na ipinanganak mula sa Diyos ay nag-iingat sa kaniyang sarili at hindi siya hinahawakan niyaong masama. 19 Alam na natin na tayo ay mula sa Diyos at ang buong sanlibutan ay nakahimlay sa kasamaan. 20 Ngunit alam na natin na pumarito ang Anak ng Diyos at binigyan niya tayo ng pang-unawa upang makilala natin siya na totoo. Tayo ay nasa kaniya na totoo, sa kaniyang Anak na si Jesu-Cristo. Siya ang totoong Diyos at ang buhay na walang hanggan. 21 Munting mga anak, lumayo kayo sa mga diyos-diyosan. Siya nawa. 2 John 16 At ito ang pag-ibig, na tayo ay lumakad ayon sa kaniyang mga utos. Ito ang utos na siyang dapat ninyong lakaran ayon sa inyong narinig mula sa simula. John 1415 Kung iniibig ninyo ako, tuparin ninyo ang aking mga utos. John 1421 Siya na nagtataglay ng aking mga utos at tumutupad sa mga ito ay siyang umiibig sa akin. Ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama. Siya ay iibigin ko at ipahahayag ko sa kaniya ang aking sarili.” John 1423 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Kung ang sinuman ay umiibig sa akin, tutuparin niya ang aking mga salita at iibigin siya ng aking Ama. Kami ay pupunta sa kaniya at mananahan na kasama niya. John 1510 Kung matupad ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa aking pag-ibig kung paanong tinupad ko ang mga utos ng aking Ama at nananatili sa kaniyang pag-ibig. Psalm 119113 Ipinagtatanim ko sila na may salawahang pagiisip; nguni't ang iyong kautusan ay iniibig ko. Psalm 119163 Aking pinagtataniman at kinasusuklaman ang pagsisinungaling; nguni't ang kautusan mo'y aking iniibig. Psalm 11997 Oh gaanong iniibig ko ang iyong kautusan! Siya kong gunita buong araw. Romans 139 Dahil dito, “Huwag kang mangalunya,” “Huwag kang pumatay,” “Huwag kang magnakaw,” “Huwag kang magsalaysay ng maling patotoo,” “Huwag kang mag-imbot” Exo 20:13-15, 17; Deu 5:17-19, 21 at kung may iba pang utos, ito ay nakapaloob sa salitang ito, “Iibigin mo ang iyong kapwa katulad ng iyong sarili.” Lev 19:18 Romans 722 sapagkat ako ay nalulugod sa kautusan ng Diyos ayon sa panloob na pagkatao. |