13 At sa oras na iyon ay nagkaroon ng isang malakas na lindol at bumagsak ang ikasampung bahagi ng lungsod at pitong libong tao ang namatay sa lindol, at ang mga naiwan ay nagkaroon ng takot at niluwalhati nila ang Diyos ng kalangitan.
Revelation 11
19 At ang banal na dako ng templo ng Diyos sa langit ay nabuksan at ang kaniyang kaban ng tipan ay nakita sa kaniyang banal na dako ng templo, at nagkaroon ng mga kidlat at mga tinig at mga kulog at lindol at malaking ulan ng yelo.
Revelation 16
18 At nagkaroon ng mga tinig at mga kulog at mga kidlat, at nagkaroon ng malakas na lindol na wala pang naganap na katulad nito simula ng nagkaroon ng tao sa daigdig, lindol na napakatindi at napakalakas.19 At ang dakilang lungsod ay nahati sa tatlong bahagi at ang mga lungsod ng mga bansa ay bumagsak, at ang dakilang Babilonia ay naalala sa harapan ng Diyos upang ibigay sa kaniya ang saro ng alak ng matinding galit ng kaniyang poot.20 At ang bawat pulo ay naglaho at ang mga bundok ay hindi nakita.21 At ang malaking ulan ng yelo na kasing bigat ng isang talento° ay bumagsak sa mga tao mula sa langit, kaya nilapastangan ng mga tao ang Diyos dahil sa salot ng ulan ng yelo sapagkat ang salot nito ay lubhang matindi.
Revelation 8
5 At kinuha ng anghel ang sunugan ng insenso at ito ay pinuno niya ng apoy mula sa dambana at inihagis ito sa lupa at nagkaroon ng mga ingay at mga kulog at mga kidlat at lindol.