25 At narito, may isang lalaki sa Jerusalem na ang pangalan ay Simeon. Ang lalaking ito ay matuwid at matapat sa Diyos, na naghihintay sa kaaliwan ng Israel at ang Banal na Espiritu ay sumasakaniya.26 At ito ay ipinahayag na sa kaniya ng Banal na Espiritu na hindi niya mararanasan ang kamatayan hanggang sa makita niya ang Cristo ng Panginoon.27 At siya ay pumunta sa loob ng templo sa pamamagitan ng Espiritu. At habang ang sanggol na si Jesus ay dinadala ng mga magulang sa loob ng templo upang gawin ang mga naaayon sa naging kaugalian sa Kautusan,28 kinarga siya ni Simeon sa kaniyang mga bisig at pinuri ang Diyos, na sinabi,29 “Panginoon, ngayon ay hayaan mo ang iyong alipin na pumanaw nang may kapayapaan ayon sa iyong salita30 sapagkat nakita na ng aking mga mata ang iyong pagliligtas31 na iyong inihanda sa harap ng lahat ng mga tao.