38 Sumagot si Jesus sa kaniya, “Iaalay mo ang iyong buhay alang-alang sa aking kapakanan? Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, hindi titilaok ang tandang hanggang sa maipagkaila mo ako nang tatlong ulit.
John 18
27 Kaya muling nagkaila si Pedro at kaagad tumilaok ang tandang.
Luke 22
34 Subalit sinabi ni Jesus, “Pedro, sinasabi ko sa iyo, ang tandang ay hinding-hindi titilaok sa araw na ito bago mo ipagkakaila nang tatlong ulit na kilala mo ako.”
Luke 22
60 Subalit sinabi ni Pedro, “Ginoo, hindi ko alam ang sinasabi mo.” At habang siya ay nagsasalita pa, ang tandang ay tumilaok kaagad.61 At nang lumingon ang Panginoon, tiningnan niya si Pedro. At naalala ni Pedro ang salita ng Panginoon katulad ng sinabi niya sa kaniya, “Bago tumilaok ang tandang, ipagkakaila mo ako ng tatlong ulit.”
Mark 14
30 Kaya sinabi ni Jesus sa kaniya, “Katotohanang sinasabi ko sa iyo na sa araw na ito, sa gabing ito, bago tumilaok nang dalawang ulit ang tandang ay tatlong ulit mo akong ipagkakaila.”
Mark 14
68 Ngunit siya ay nagkaila na nagsasabi, “Hindi ko alam, ni nauunawaan kung ano ang sinasabi mo.” At siya ay lumabas patungo sa portiko at tumilaok ang tandang.
Matthew 26
34 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Katotohanang sinasabi ko sa iyo, na sa gabing ito, bago tumilaok ang tandang ay tatlong ulit mo akong ipagkakaila.”
Matthew 26
74 Kaya siya ay nagsimulang magsalita ng masama at manumpa, “Hindi ko kilala ang lalaking iyon.” At kaagad tumilaok ang tandang.
Matthew 26
75 At naipaalala kay Pedro ang salita ni Jesus na sinabi sa kaniya, “Bago tumilaok ang tandang ay tatlong ulit mo akong ipagkakaila.” At siya ay lumabas at tumangis na may kapaitan.