15 At ang mga sumama kay Pablo ang naghatid sa kaniya hanggang sa Atenas. At nang natanggap nila ang bilin para kina Silas at Timoteo na sila ay makakapunta kaagad sa kaniya, sila ay umalis.16 Subalit habang hinihintay ni Pablo sina Silas at Timoteo sa Atenas, siya ay nababagabag sa kaniyang espiritu dahil sa nakikita niya ang lungsod na punung-puno ng mga diyos-diyosan.17 Kaya nga, siya ay nakipagpaliwanagan sa mga Judio sa sinagoga at sa mga sumasamba sa Diyos, gayundin sa sinumang nakakatagpo niya sa pamilihan araw-araw.18 At ang ilan sa mga pilosopong Epicureo at mga Estoico ay nakipagtalo sa kaniya. At ang ilan ay nagsasabi, “Ano ang ibig sabihin ng matabil na ito?” Ngunit ang iba ay nagsabi, “Para siyang tagapangaral ng mga kakaibang diyos” sapagkat ipinangangaral niya sa kanila ang ebanghelyo ni Jesus at ang muling pagkabuhay.19 At sila na kumuha at nagdala sa kaniya sa Burol ng Areo ay nagsasabi, “Maaari ba naming malaman kung ano itong bagong katuruan na sinasabi mo?20 Sapagkat ikaw ay nagdadala ng kakaibang mga bagay sa aming mga pandinig kaya ninanais naming malaman kung ano ang kahulugan ng mga bagay na ito.”21 Ang lahat na mga taga-Atenas at ang mga nakikipamayan doon ay walang ibang pinaggugugulan ng panahon kundi ang pagsasalaysay o ang pakikinig ng bagong mga bagay.22 Kaya si Pablo ay tumayo sa gitna ng Burol ng Areo at kaniyang sinabi, “Mga ginoo, mga taga-Atenas, nakikita ko na kayo ay lubhang mapaniwala sa mga diyos sa lahat ng mga bagay