Jesus Crowned with Thorns at Calvary
| Avainsanat | Jeesus Jeesus kalbaryo korona ng thorns krus pagpapako sa krus roman kawal |
|---|---|
| Secondary Keywords | Anteeksianto Biyernes Santo dugo hari ng mga Judio hiwa ipako sa krus Joulu kasvokkain kawal Kruunu matinding paghihirap paghampas sa kanya pagsisisi Pasko ng Pagkabuhay pasyon linggo Roman sakit sibat suffering Christ tinik |
| Tertiary Keywords | dugo hill of execution kaligtasan mocking of Jesus pagpapakasakit pagtubos Pasko ng Pagkabuhay Passion of Christ Roman armor tinik |
| Mga Banal na Kasulatan | Juan 19:1-3 Juan 19:17-18 Lucas 23 Lucas 23:33-38 Lucas 23:34 Marcos 15:16-20 Matthew 27:27-31 Matthew 27:33-37 John 191 Nang magkagayon, kinuha ni Pilato si Jesus at hinagupit siya. 2 Ang mga kawal ay nagsalapid ng putong na mula sa mga tinik at ipinatong ito sa kaniyang ulo at kanilang sinuotan siya ng balabal na kulay ube. 3 At sinabi nila, “Magalak ka, Hari ng mga Judio!” At siya ay kanilang pinagsasampal. John 1917 Lumabas siyang pasan-pasan ang kaniyang krus patungo sa tinatawag na Dako ng Bungo, na ang tawag sa wikang Hebreo ay Golgota, 18 sa lugar kung saan siya ay ipinako nila sa krus, kasama niya ang dalawa pa na nasa magkabilang bahagi at si Jesus ang nasa gitna. Luke 231 Nang ang kabuuan ng kanilang malaking bilang sa kanila ay tumayo, si Jesus ay dinala nila kay Pilato. 2 At sila ay nagsimula upang paratangan siya na sinasabi, “Natagpuan namin ang taong ito na inililigaw ang bayan at ipinagbabawal ang pagbabayad ng buwis kay Cesar sa pagsasabing siya mismo ang Cristo, ang hari.” 3 At tinanong ni Pilato si Jesus na sinasabi, “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?” At si Jesus ay sumagot sa kaniya na sinasabi, “Ikaw ang nagsabi nito.” 4 Kaya si Pilato ay nagsabi sa mga punong saserdote at sa napakaraming tao, “Wala akong nakikitang dahilan upang hatulan ang taong ito.” 5 Ngunit sila ay lalong nagpupumilit na sinasabi, “Inuudyukan niya ang mga tao sa kaniyang pagtuturo sa buong Judea simula sa Galilea hanggang dito.” 6 Nang narinig ni Pilato ang Galilea, itinanong niya kung ang lalaki ay taga-Galilea. 7 At nang nalaman niya na si Jesus ay nagmula sa nasasakupan ni Herodes, siya ay ipinadala niya kay Herodes na nasa Jerusalem din nang mga araw na iyon. 8 Ngunit nang nakita ni Herodes si Jesus, siya ay labis na nagalak sapagkat matagal na niyang ninanais na makita si Jesus dahil maraming bagay na siyang narinig patungkol sa kaniya at umaasa siyang makakita ng ilang tanda na ginagawa niya. 9 At nagtanong si Herodes sa kaniya sa pamamagitan ng maraming pananalita ngunit wala siyang isinagot sa kaniya. 10 Ngunit ang mga punong saserdote at mga eskriba ay tumayo at siya ay marahas nilang pinaparatangan. 11 At kinutya siya ni Herodes at ng kaniyang hukbo at nang siya ay nilibak sa pagpapasuot sa kaniya ng marangyang kasuotan, siya ay muling ipinadala ni Herodes kay Pilato. 12 Kaya sa araw ring iyon ay naging magkaibigan sa isa't isa sina Pilato at Herodes sapagkat sila ay may dating alitan. 13 At pagkatawag ni Pilato sa mga punong saserdote at sa mga pinuno at sa mga tao, 14 sinabi niya sa kanila, “Dinala ninyo sa akin ang taong ito bilang isang naglilihis ng landas sa mga tao. Narito, nang siya ay siniyasat ko sa harapan ninyo, wala akong nakitang dahilan upang hatulan ang taong ito ayon sa ipinaparatang ninyo sa kaniya 15 sapagkat pinaahon ko kayo kay Herodes, ngunit narito, kahit si Herodes ay walang ginawa sa kaniya na nararapat sa kamatayan. 16 Kaya pagkatapos ko siyang parusahan, siya ay palalayain ko” 17 (sapagkat kinakailangang may isang palalayain sa kanila si Pilato tuwing araw ng kapistahan.) 18 Ngunit sila ay sabay-sabay na sumigaw na nagsasabi, “Paalisin mo ang taong ito at palayain sa amin si Barabas.” 19 (Si Barabas ay ipinasok sa bilangguan dahil sa paghihimagsik na nangyari sa lungsod at sa pagpatay ng tao.) 20 Kaya si Pilato ay muling nagsalita sa kanila dahil sa pagnanais niyang palayain si Jesus. 21 Ngunit sila ay sumigaw na sinasabi, “Ipako mo siya sa krus, ipako mo siya sa krus!” 22 At sa ikatlong pagkakataon ay sinabi niya sa kanila, “Bakit, anong kasamaan ang nagawa ng taong ito? Wala akong anumang nakita sa kaniya na dahilan upang hatulan siya ng kamatayan. Kaya pagkatapos ko siyang parusahan, siya ay palalayain ko.” 23 Ngunit, sa pamamagitan ng malakas na tinig, sila ay nagpupumilit upang hilingin na siya ay ipako sa krus. At ang tinig nila at ng mga punong saserdote ay nanaig. 24 At si Pilato ay nagbigay ng hatol upang mangyari ang kahilingan nila. 25 At kaniyang pinalaya sa kanila yaong hinihiling nila na ipinasok sa bilangguan dahil sa paghihimagsik at pagpatay. Ngunit si Jesus ay ibinigay niya sa kanilang kagustuhan. 26 At habang si Jesus ay dinadala nilang palayo, kinuha nila ang isang nagngangalang Simon na taga-Cerene na nanggaling sa bukid, at ipinatong nila sa kaniya ang krus upang pasanin niya ito na nakasunod kay Jesus. 27 At sumusunod kay Jesus ang malaking bilang ng napakaraming tao at sa mga kababaihan na tumatangis din at nanaghoy sa kaniya. 28 Ngunit si Jesus ay lumingon at sinabi, “Mga anak na babae ng Jerusalem, huwag kayong tumangis para sa akin. Gayunpaman, tumangis kayo para sa inyong mga sarili at para sa inyong mga anak. 29 Narito, dahil ang mga araw ay darating kung saan ay sasabihin nila, ‘Pinagpala ang mga baog, ang mga sinapupunan na hindi nagdalang-tao at ang mga suso na hindi nasusuhan!’ 30 Sa panahong iyon, sila ay magsisimulang ‘magsabi sa mga bundok, “Bagsakan ninyo kami!” at sa mga burol, “Tabunan ninyo kami!” ’ Ose 10:8 31 Dahil kung ginagawa nila ang mga ito sa sariwang kahoy, ano ang mangyayari sa tuyo?” 32 At mayroon ding dalawang salarin na dinalang kasama ni Jesus upang patayin. 33 At nang sila ay dumating sa dakong tinatawag na Bungo, doon siya ay kanilang ipinako sa krus at ang mga salarin, ang isa nga ay sa bahaging kanan at ang isa ay sa bahaging kaliwa. 34 At sinabi ni Jesus, “Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa.” At sila ay nagpalabunutan sa pagbaha-bahagi ng kaniyang mga kasuotan. 35 At ang mga tao ay nakatayo na nagmamasid. At ang mga pinunong kasama nila ay tumutuya rin sa kaniya na sinasabi, “Iniligtas niya ang iba. Hayaan siyang iligtas niya ang kaniyang sarili kung siya ang Cristo na pinili ng Diyos.” 36 At nilibak din siya ng mga kawal. Sila ay lumapit at iniaalok ang maasim na alak sa kaniya 37 at sinasabi, “Kung ikaw ang Hari ng mga Judio, iligtas mo ang iyong sarili.” 38 At sa itaas niya ay mayroon ding nakasulat sa mga titik ng Griyego at sa Latin at sa Hebreo: ITO ANG HARI NG MGA JUDIO. 39 Ngunit ang isa sa mga salaring nakapako sa krus ay nilapastangan siya na sinasabi, “Kung ikaw ang Cristo, iligtas mo ang iyong sarili at kami.” 40 Subalit pagsagot ng isa ay sinaway siya na sinasabi, “Hindi ka ba natatakot sa Diyos yamang ikaw ay nasa gayunding kaparusahan? 41 At tayo nga ay hinatulan ayon sa katuwiran sapagkat tinatanggap natin ang nararapat na kabayaran ng ating mga ginawa, ngunit ang lalaking ito ay walang ginawang pagkakamali.” 42 Ngunit sinabi niya kay Jesus, “Panginoon, alalahanin mo ako kapag ikaw ay dumating sa iyong kaharian.” 43 Kaya sinabi ni Jesus sa kaniya, “Katotohanang sinasabi ko sa iyo, sa araw na ito, ikaw ay makakasama ko sa Paraiso.” 44 At ang oras ay halos ikaanim na, at nagkaroon ng kadiliman sa buong lupa hanggang sa ikasiyam na oras, 45 at ang araw ay nagdilim, at ang tabing ng banal na dako ng templo ay nahati sa gitna. 46 At nang si Jesus ay sumigaw na may malakas na tinig ay sinabi niya, “Ama, ‘sa iyong mga kamay ay inihahabilin ko ang aking espiritu.’ ” Awi 31:5 At pagkasabi niya ng mga bagay na ito, siya ay nalagutan ng hininga. 47 Ngunit nang nakita ng senturion ang nangyari, niluwalhati niya ang Diyos na sinasabi, “Tunay na ang taong ito ay matuwid.” 48 At ang lahat ng napakaraming tao na nagtipon sa panooring ito, nang nakita nila ang mga bagay na nangyari, sila ay umuwing dinadagukan ang kanilang mga dibdib. 49 Ngunit ang lahat ng kaniyang mga kakilala at ang mga babaing kasamang sumunod sa kaniya mula sa Galilea ay nakatayo sa malayo at pinagmamasdan ang mga bagay na ito. 50 Ngunit narito, may isang lalaki na ang pangalan ay Jose, isang tagapayo na kasapi ng Sanhedrin. Siya ay mabuting lalaki at matuwid, 51 (siya ay hindi sumang-ayon sa payo at sa gawain nila). Siya ay mula sa Arimatea na isang lungsod ng mga Judio. Siya rin ay naghihintay sa paghahari ng Diyos. 52 Nang ang lalaking ito ay pumunta kay Pilato, kaniyang hiniling ang katawan ni Jesus. 53 At nang naibaba niya ang katawan ni Jesus, binalot niya ito ng telang lino at inihimlay ito sa isang libingang nakauka sa bato na hindi pa napaglilibingan ng sinuman. 54 At ang araw na iyon ay ang Paghahanda at ang araw ng Sabat ay nalalapit na. 55 At sumunod din kay Jose ang mga babaing sumama kay Jesus mula sa Galilea. Pinagmasdan nila ang libingan at kung paano inilagay ang katawan ni Jesus. 56 At nang sila ay umuwi, sila ay naghanda ng mga pabango at mga pamahid. At sa araw nga ng Sabat, sila ay nagpahinga ayon sa Kautusan. Luke 2333 At nang sila ay dumating sa dakong tinatawag na Bungo, doon siya ay kanilang ipinako sa krus at ang mga salarin, ang isa nga ay sa bahaging kanan at ang isa ay sa bahaging kaliwa. 34 At sinabi ni Jesus, “Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa.” At sila ay nagpalabunutan sa pagbaha-bahagi ng kaniyang mga kasuotan. 35 At ang mga tao ay nakatayo na nagmamasid. At ang mga pinunong kasama nila ay tumutuya rin sa kaniya na sinasabi, “Iniligtas niya ang iba. Hayaan siyang iligtas niya ang kaniyang sarili kung siya ang Cristo na pinili ng Diyos.” 36 At nilibak din siya ng mga kawal. Sila ay lumapit at iniaalok ang maasim na alak sa kaniya 37 at sinasabi, “Kung ikaw ang Hari ng mga Judio, iligtas mo ang iyong sarili.” 38 At sa itaas niya ay mayroon ding nakasulat sa mga titik ng Griyego at sa Latin at sa Hebreo: ITO ANG HARI NG MGA JUDIO. Luke 2334 At sinabi ni Jesus, “Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa.” At sila ay nagpalabunutan sa pagbaha-bahagi ng kaniyang mga kasuotan. Mark 1516 Kaya dinala siya ng mga kawal sa loob ng bulwagan na tinatawag na Pretorio at tinawag nilang magtipon ang buong batalyon. 17 At siya ay dinamitan nila ng kulay ube at ipinutong nila sa kaniyang ulo ang nakatirintas na putong na tinik. 18 At sila ay nagsimulang bumati sa kaniya na sinasabi, “Magalak ka, Hari ng mga Judio!” 19 At siya ay kanilang hinampas ng tambo sa ulo at dinuraan siya, at sa kanilang pagluhod, siya ay sinamba nila. 20 At pagkatapos nila siyang kutyain, hinubad nila sa kaniya ang kulay ubeng damit at isinuot sa kaniya ang kaniyang mga damit. At siya ay kanilang dinala palabas upang ipako sa krus. Matthew 2727 Kaya si Jesus ay dinala ng mga kawal ng gobernador sa Pretorio at nagkatipon sa kaniya ang buong batalyon ng mga kawal. 28 At nang siya ay kanilang hinubaran, siya ay kanilang sinuotan ng isang balabal na kulay ube. 29 At pagkatapos nilang magsalapid ng isang putong na tinik, inilagay nila ito sa kaniyang ulo at isang tambo sa kaniyang kanang kamay. At sila ay lumuhod sa harap ni Jesus at siya ay kinutya na sinasabi, “Pagbati, ang Hari ng mga Judio!” 30 At siya ay kanilang dinuraan, at kinuha nila ang tambo at inihampas nila sa kaniyang ulo. 31 At pagkatapos nila siyang kutyain, hinubad nila sa kaniya ang balabal at isinuot nila sa kaniya ang kaniyang damit at siya ay inilayo nila upang ipako sa krus. Matthew 2733 At nang sila ay dumating sa dako na tinatawag na Golgota na ang ibig sabihin ay Dako ng Bungo, 34 si Jesus ay binigyan nila ng maasim na alak na hinaluan ng apdo upang inumin, ngunit nang ito ay natikman niya, ito ay ayaw niyang inumin. 35 At nang siya ay naipako na nila sa krus, kanilang pinaghati-hatian ang kaniyang damit sa pamamagitan ng palabunutan upang matupad ang sinabi ng propeta, “Pinaghati-hatian nila ang aking damit para sa kanilang sarili at pinagpalabunutan nila ang aking kasuotan.” Awi 22:18 36 At sila ay nakaupo habang siya ay binantayan nila roon. 37 At inilagay nila sa kaniyang ulunan ang paratang sa kaniya na nakasulat: ITO SI JESUS ANG HARI NG MGA JUDIO. |