Habang parami nang parami ang mga tao ay naniniwala kay Jesus na hindi lahat ng mga pangangailangan na umahon makakayanan ang mga disipulo. Sila ay naghirang ng pitong deacon na tumulong sa pangangalaga para sa mga tao.
1 Sa mga araw na iyon, nang dumarami ang mga alagad, ay nagkaroon ng bulung-bulungan ang mga Helenista laban sa mga Hebreo sapagkat ang kanilang mga babaing balo ay nakakaligtaan sa araw-araw na paglilingkod.2 Kaya tinawag ng labindalawa ang maraming alagad at sinabi, “Hindi nararapat na iwanan namin ang salita ng Diyos upang maglingkod sa mga hapag.3 Dahil dito, mga kapatid, humanap kayo ng pitong lalaking mula sa inyo na may mabuting patotoo, puspos ng Banal na Espiritu at karunungan, na siyang itatalaga natin sa gawaing ito.4 Ngunit kami ay matatag na magpapatuloy sa pananalangin at sa paglilingkod para sa salita.”5 Ang salitang ito ay nagbigay-lugod sa harap ng buong karamihan. Kaya pinili nila si Esteban na lalaking puspos ng pananampalataya at ng Banal na Espiritu, at sina Felipe, Procoro, Nicanor, Timon, Parmenas at Nicolas na taga-Antioquia na nagbago ng paniniwala.6 Sila ay kanilang pinatayo sa harap ng mga apostol, at nang sila ay nanalangin, ipinatong ng mga apostol ang kanilang mga kamay sa kanila.7 At lumaganap ang salita ng Diyos kaya ang bilang ng mga alagad sa Jerusalem ay lubhang dumami, at lubhang marami sa mga saserdote ang sumunod sa pananampalataya.