Si Pablo ay dinala sa Damasco bulag. Pagkaraan ng ilang araw ang mananampalataya na nagngangalang Ananias ang pinadala ni Pablo. Pagkatapos ng pagtula ang kanyang kamay sa kanya ay ipinanumbalik ang pangitain ni Pablo.
10 Ngunit may isang alagad sa Damasco na ang pangalan ay Ananias. Sinabi ng Panginoon sa kaniya sa isang pangitain, “Ananias.” Sinabi niya, “Narito ako, Panginoon.”11 Sinabi ng Panginoon sa kaniya, “Tumindig ka at pumaroon sa lansangang tinatawag na Tuwid at ipagtanong mo sa bahay ni Judas ang isang lalaki na ang pangalan ay Saulo na taga-Tarso. Sapagkat, narito, siya ay nananalangin.12 At nakita niya sa pangitain ang isang lalaki, na ang pangalan ay Ananias, na dumating at nagpatong ng kamay niya sa kaniya upang siya ay makakita.”13 Ngunit sumagot si Ananias, “Panginoon, nabalitaan ko sa marami ang patungkol sa lalaking ito kung gaano karaming kasamaan ang ginawa niya sa iyong mga banal sa Jerusalem.14 At sa dakong ito, siya ay may kapahintulutan mula sa mga punong saserdote upang igapos ang lahat ng mga tumatawag sa iyong pangalan.”15 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kaniya, “Pumaroon ka sapagkat siya ay piniling kasangkapan sa akin upang dalhin ang aking pangalan sa harap ng mga Gentil at ng mga hari at ng mga anak ni Israel,16 sapagkat ipapakita ko sa kaniya kung gaano karaming mga bagay ang dapat niyang batahin dahil sa aking pangalan.”17 Kaya umalis si Ananias at pumasok siya sa bahay. At pagkapatong niya ng kaniyang mga kamay kay Saulo ay kaniyang sinabi, “Kapatid na Saulo, isinugo ako ng Panginoong Jesus na siyang nagpakita sa iyo sa daang iyong pinanggalingan upang matanggap mo ang iyong paningin at mapuspos ng Banal na Espiritu.”18 At kaagad nalaglag mula sa kaniyang mga mata ang parang mga kaliskis at kaagad niyang tinanggap ang kaniyang mga paningin. At nang siya ay tumayo, siya ay binawtismuhan.19 At nang siya ay nakakain, siya ay lumakas. At si Saulo ay naging kasama ng mga alagad sa Damasco ng ilang araw.