1 Anim na araw bago ang Paglagpas, si Jesus ay pumunta sa Betania, na kinaroonan ni Lazaro na namatay na at kaniyang ibinangon mula sa mga patay.2 Sila ay naghanda roon ng hapunan para sa kaniya. Si Marta ay naglingkod ngunit si Lazaro ay isa sa mga nakaupong kasalo niya sa hapag.3 Si Maria ay kumuha ng isang librang° mamahalin na pabangong langis ng nardo at ipinahid niya sa mga paa ni Jesus at pinunasan niya ng kaniyang buhok ang mga paa ni Jesus, at ang bahay ay napuno ng halimuyak ng pabangong langis.4 Kaya si Judas na taga-Keriot na anak ni Simon, na isa sa kaniyang mga alagad na siyang magkakanulo kay Jesus, ay nagsabi,5 “Bakit hindi ipinagbili ang pabangong langis na ito sa halagang tatlong daang denaryo° at ipinamigay sa mga dukha?”6 Ito ay sinabi niya, hindi dahil siya ay nagmamalasakit sa mga dukha kundi dahil siya ay magnanakaw, at nasa kaniya ang supot ng salapi at kinukupit niya ang mga inilalagay rito.7 Kaya sinabi ni Jesus, “Pabayaan ninyo siya, inilaan na niya ito para sa araw ng aking libing8 sapagkat ang mga dukha ay palagi ninyong kasama, ngunit ako ay hindi ninyo palaging makakasama.”