17 At pagsapit ng gabi, si Jesus ay dumating kasama ng labindalawa.18 At habang sila ay nakadulog at kumakain, sinabi ni Jesus, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo na ang isa sa inyo na kumakaing kasalo ko ay ipagkakanulo ako.”19 At sila ay nagsimulang malungkot kaya isa-isa silang nagsabi sa kaniya, “Ako ba?” at ang iba ay nagsabi, “Ako ba?”20 Ngunit nang sumagot si Jesus, sinabi niya sa kanila, “Ang isa sa labindalawa, siya na kasabay kong magsawsaw sa mangkok.21 Ang Anak ng Tao nga ay papanaw ayon sa nasusulat patungkol sa kaniya subalit sa aba ng taong iyon na sa pamamagitan niya ay maipagkakanulo ang Anak ng Tao. Mabuti pa sa taong iyon kung hindi siya naipanganak.”