1 Ngunit si Saulo, na nag-aalab sa pagbabanta at pagpatay sa mga alagad ng Panginoon, ay pumaroon sa pinakapunong saserdote.2 Humiling siya ng mga sulat para sa mga sinagoga sa Damasco upang kung matagpuan niya ang sinumang mga lalaki at mga babaing kaanib sa Daan, sila ay madala niyang nakagapos patungo sa Jerusalem.