Breaking Leipää
| Secondary Keywords | alagad huling hapunan Jeesus Jeesus si Jesus paglabag tinapay talahanayan |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Luke 217 At siya ay tinanong nila na sinasabi, “Guro, kailan nga mangyayari ang mga bagay na ito? Ano ang mga tanda na ang mga bagay na ito ay malapit nang mangyari?” 8 Ngunit sinabi niya, “Mag-ingat kayo na hindi kayo maililigaw sapagkat marami ang darating sa aking pangalan na nagsasabi, ‘Ako ang Cristo’ at ‘ang panahon ay malapit na.’ Huwag nga kayong sumunod sa kanila. 9 Ngunit kapag kayo ay makarinig ng mga digmaan at kaguluhan, huwag kayong matatakot sapagkat ang mga bagay na ito ay kinakailangan munang mangyari. Subalit ang wakas ay hindi kaagad mangyayari.” 10 Pagkatapos ay sinabi niya sa kanila, “Ang bansa ay babangon laban sa bansa at ang kaharian laban sa kaharian. 11 Magkakaroon ng malakas na mga lindol sa iba't ibang dako, mga taggutom, mga salot, mga nakakatakot na pangyayari at dakilang mga tanda mula sa langit. 12 Ngunit bago mangyari ang lahat ng mga ito, kayo ay susunggaban at kayo ay pagmamalupitan nila sa pagdadala sa inyo sa mga sinagoga at sa mga bilangguan at sa pagdadala sa inyo sa mga hari at mga gobernador dahil sa aking pangalan. 13 Ngunit ito ay magiging patotoo para sa inyo. 14 Kaya panatilihin ninyo sa inyong mga puso na huwag ninyong pag-iisipan ang pagtatanggol sa inyong sarili 15 sapagkat ako ay magbibigay sa inyo ng pananalita at karunungan na hindi mapapasinungalingan, ni matatanggihan ng lahat ng mga kumakalaban sa inyo. 16 At kayo rin ay ipagkakanulo ng mga magulang, ng mga kapatid na lalaki, ng mga kamag-anak at ng mga kaibigan. At ang ilan sa inyo ay kanilang papatayin. 17 At kayo ay kamumuhian ng lahat nang dahil sa aking pangalan. 18 Ngunit ang buhok sa inyong ulo ay hinding-hindi mawawala. 19 Angkinin ninyo ang inyong buhay sa inyong pagtitiis. 20 “At kapag makita ninyo na ang Jerusalem ay napapalibutan ng mga hukbo, alamin ninyo sa oras na iyon na ang kaniyang kapanglawan ay malapit na. 21 At sa oras na iyon, sila na nasa Judea ay hayaang tumakas patungo sa mga bundok at sila na nasa kalagitnaan nito ay hayaan nang lumabas at sila na nasa mga lupain ay huwag nang hayaang pumasok dito 22 sapagkat sa mga araw na ito ng paghihiganti ay magaganap ang lahat ng mga bagay na nasusulat. 23 Ngunit sa aba niyaong mga nagdadalang-tao at sa kanila na mga nagpapasuso sa mga araw na iyon sapagkat magkakaroon ng malaking kaguluhan sa lupa at poot sa bayang ito. 24 At sila ay babagsak sa talim ng tabak at ipapadalang mga bihag sa lahat ng mga bansa. At ang Jerusalem ay yuyurakan ng mga Gentil hanggang sa maganap ang kapanahunan ng mga Gentil. 25 “At magkakaroon ng mga tanda sa araw at sa buwan at sa mga bituin, at sa lupa ay kahapisan ng mga bansa na may pagkalito at ng malakas na ugong ng dagat at ng alon 26 habang ang mga tao ay panghihinaan ng loob dahil sa takot at sa pangamba sa mga darating sa buong sanlibutan sapagkat ang kapangyarihan ng kalangitan ay mayayanig. 27 At pagkatapos ay makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating sa ulap na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian. 28 Ngunit kapag magsimula nang mangyari ang mga bagay na ito, tumindig kayo at itingala ninyo ang inyong mga ulo sapagkat ang inyong katubusan ay nalalapit na.” 29 Si Jesus ay nagsalita ng isang talinghaga sa kanila, “Masdan ninyo ang puno ng igos at ang lahat ng mga punongkahoy. 30 Kapag sila ay sumibol na, makikita ninyo at malalaman ninyo mismo na ang tag-init ay malapit na. |