33 At siya ay pumunta sa Capernaum at nang siya ay nasa bahay, sila ay tinanong niya, “Ano ang pinagtatalunan ninyo habang kayo ay nasa daan?”34 Ngunit sila ay tumahimik sapagkat ang pinagtalunan ng bawat isa sa kanila habang nasa daan ay kung sino ang pinakadakila.35 At nang umupo siya, tinawag niya ang labindalawang alagad at sinabi niya sa kanila, “Kung ninanais ng sinuman na maging una, siya ay maging huli sa lahat at tagapaglingkod ng lahat.”36 At pagkuha niya ng maliit na bata, pinatayo niya ito sa kalagitnaan nila at pagkayakap niya sa maliit na bata, sinabi niya sa kanila,37 “Kung ang sinuman ay tatanggap sa maliit na batang katulad nito sa aking pangalan ay tinatanggap ako, at kung ang sinuman ay tatanggap sa akin ay hindi ako ang tinatanggap kundi siya na nagsugo sa akin.”