3 Upang iukol sila na nagsisitangis sa Sion, upang bigyan sila ng putong na bulaklak na kahalili ng mga abo, ng langis ng kagalakan na kahalili ng pagtangis, ng damit ng kapurihan na kahalili ng kabigatan ng loob; upang sila'y matawag na mga punong kahoy ng katuwiran, na pananim ng Panginoon upang siya'y luwalhatiin.
Job 14
7 Sapagka't may pagasa sa isang punong kahoy, na kung ito'y putulin, ay sisibol uli, at ang sariwang sanga niyaon ay hindi maglilikat.8 Bagaman ang kaniyang ugat ay tumanda sa lupa, at ang puno niyao'y mamatay sa lupa;9 Gayon ma'y sa pamamagitan ng amoy ng tubig ay sisibol, at magsasanga na gaya ng pananim.
Romans 8
19 dahil ang mataimtim na pag-asam ng sangnilikha ay naghihintay na may pananabik sa kapahayagan ng mga anak ng Diyos.20 Sapagkat ang sangnilikha ay ipinasakop sa pagkawalang-kabuluhan, hindi nang kusang-loob, kundi dahil sa kaniya na siyang sumakop nito sa pag-asa21 upang ang sangnilikha rin mismo ay mapalaya mula sa pagkaalipin ng kabulukan para sa kalayaan ng kaluwalhatian ng mga anak ng Diyos.22 Sapagkat alam natin na hanggang sa ngayon, ang buong sangnilikha ay sama-samang dumadaing at naghihirap katulad ng babaing nanganganak.