14 At sinabi ng Dios, Magkaroon ng mga tanglaw sa kalawakan ng langit upang maghiwalay ng araw sa gabi; at maging pinakatanda, at pinakabahagi ng panahon, ng mga araw at ng mga taon:15 At maging pinakatanglaw sa kalawakan ng langit, upang tumanglaw sa ibabaw ng lupa: at nagkagayon.16 At nilikha ng Dios ang dalawang malaking tanglaw; ang malaking tanglaw ay upang magpuno sa araw, at ang maliit na tanglaw ay upang magpuno sa gabi: nilikha rin niya ang mga bituin.17 At mga inilagay ng Dios sa kalawakan ng langit, upang tumanglaw sa ibabaw ng lupa,18 At upang magpuno sa araw at sa gabi, at upang maghiwalay ng liwanag sa kadiliman: at nakita ng Dios na mabuti.
Genesis 1
9 At sinabi ng Dios, Mapisan ang tubig na nasa silong ng langit sa isang dako, at lumitaw ang katuyuan, at nagkagayon.10 At tinawag ng Dios ang katuyuan na Lupa, at ang kapisanan ng tubig ay tinawag niyang mga Dagat: at nakita ng Dios na mabuti.
Psalm 93
4 Ng higit sa mga hugong ng maraming tubig, malalakas na hampas ng alon sa dagat, ang Panginoon sa itaas ay makapangyarihan.
Psalm 95
5 Ang dagat ay kaniya, at kaniyang ginawa: at ang kaniyang mga kamay ay lumikha ng tuyong lupa.