9 Kaya manalangin kayo sa ganitong paraan: Ama namin na nasa langit, pakabanalin ang pangalan mo.10 Hayaang dumating ang iyong paghahari. Hayaang mangyari ang iyong kalooban kung paano sa langit ay gayundin sa lupa.11 Ibigay mo sa amin sa araw na ito ang pang-araw-araw naming pagkain.12 Patawarin mo kami sa aming mga pagkakautang, kung paano rin kami nagpapatawad sa mga nagkakautang sa amin.13 At huwag mo kaming dalhin sa tukso sa halip ay iligtas mo kami mula sa masama sapagkat sa iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kaluwalhatian magpakailanman. Siya nawa.
Matthew 7
7 “Humiling kayo at ito ay ibibigay sa inyo. Maghanap kayo at kayo ay makakasumpong. Kumatok kayo at ito ay bubuksan sa inyo8 sapagkat ang bawat isang humihiling ay tumatanggap at siya na naghahanap ay nakakasumpong at siya na kumakatok ay pagbubuksan.9 Ano ang taong mula sa inyo ang magbibigay ng bato sa kaniyang anak kapag siya ay humiling ng tinapay?10 O magbibigay ng ahas kapag siya ay hihiling ng isda?11 Kaya kung kayo na masasama ay marunong magbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit, na magbibigay ng mabubuting bagay sa kanila na humihiling sa kaniya?
Romans 8
26 At gayundin naman, ang Espiritu ay kasamang tumutulong sa ating mga kahinaan sapagkat hindi natin alam kung ano ang kinakailangan nating ipanalangin, subalit ang Espiritu mismo ang namamagitan para sa ating mga pagdaing na hindi maipahayag ng salita.