37 Sumagot siya at sinabi sa kanila, “Siya na naghasik ng mabuting binhi ay ang Anak ng Tao.38 Ang bukirin ay ang sanlibutan at ang mabuting binhi ay ang mga anak ng paghahari ng Diyos, ngunit ang mapanirang mga damo ay ang mga anak niyaong masama.39 Ang kaaway na siyang naghasik ng mga ito ay ang diyablo. Ang tag-ani ay ang katapusan ng kapanahunang ito at ang mga mang-aani ay ang mga anghel.