Kristus juhlissa
| Secondary Keywords | Cristo jerusalem Jesus pahimakas pyesta templo Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | John 51 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay ang kapistahan ng mga Judio, kaya si Jesus ay umahon papunta sa Jerusalem. 2 Sa Jerusalem ay may malaking paliguan sa tabi ng Tarangkahan ng Tupa na tinatawag sa wikang Hebreo na Betesda na may limang portiko. 3 Ipinapahiga rito ang lubhang napakaraming may mga kapansanan, mga bulag, mga pilay at mga nanunuyot, na naghihintay ng paggalaw ng tubig 4 sapagkat may panahon na lumulusong ang isang anghel sa malaking paliguan at ginagalaw ang tubig. Kaya ang unang makalusong pagkatapos na magalaw ang tubig ay gumagaling sa anumang karamdamang nagpapahirap sa kaniya. 5 Naroroon ang isang lalaki na tatlumpu't walong taon nang maysakit. 6 Nang siya ay nakita ni Jesus na nakahiga at alam niya na matagal nang panahong siya ay may kapansanan, sinabi niya sa kaniya, “Nais mo bang gumaling?” 7 Sumagot sa kaniya ang may kapansanan, “Ginoo, walang taong magdadala sa akin sa malaking paliguan sa tuwing mapapagalaw ang tubig. At habang ako ay papunta, lumulusong na ang ibang nauuna sa akin.” 8 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Bumangon ka, dalhin mo ang iyong higaan at lumakad ka.” 9 Kaya kaagad na gumaling ang lalaki at dinala ang kaniyang higaan at naglakad-lakad, bagaman ang araw na iyon ay Sabat. 10 Sinabi nga ng mga Judio sa kaniya na pinagaling na, “Ito ay araw ng Sabat. Hindi ka pinahihintulutang magdala ng higaan.” 11 Sumagot siya sa kanila, “Siya na nagpagaling sa akin ang siyang nagsabi sa akin, ‘Dalhin mo ang iyong higaan at lumakad ka.’ ” 12 Kaya siya ay tinanong nila, “Sino ang lalaking nagsabi sa iyo, ‘Dalhin mo ang iyong higaan at lumakad ka’?” 13 Ngunit hindi nakilala ng pinagaling kung sino ang nagpagaling sa kaniya dahil si Jesus ay humiwalay na sa maraming tao na nasa lugar na iyon. 14 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay natagpuan siya ni Jesus sa templo at sinabi sa kaniya, “Narito, ikaw ay magaling na. Huwag ka nang magkasala pa upang walang anumang higit na malubhang bagay ang mangyayari sa iyo.” 15 Umalis ang lalaki at ipinamalita sa mga Judio na si Jesus ang nagpagaling sa kaniya. 16 Dahil dito ay pinagmamalupitan ng mga Judio si Jesus at siya ay kanilang hinahanap upang patayin sapagkat ginagawa niya ang mga bagay na ito sa araw ng Sabat. 17 Ngunit sumagot si Jesus sa kanila, “Ang aking Ama ay gumagawa hanggang sa kasalukuyan at ako ay gumagawa.” 18 Dahil dito, lalo siyang pinaghahanap ng mga Judio upang patayin sapagkat hindi lamang niya nilabag ang araw ng Sabat kundi tinawag pa niya ang Diyos na kaniyang Ama, na ginagawang kapantay ang kaniyang sarili sa Diyos. 19 Kaya sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, hindi makakagawa ng anuman ang Anak sa kaniyang sarili maliban sa anumang nakikita niyang ginagawa ng Ama, sapagkat anumang mga bagay na ginagawa niya ay gayundin naman ang ginagawa ng Anak. 20 Sapagkat minamahal ng Ama ang Anak at ipinapakita sa kaniya ang lahat ng kaniyang ginagawa. Ipapakita niya sa kaniya ang mga dakilang gawa higit sa mga ito upang kayo ay mamangha. 21 At kung paanong ibinabangon at binubuhay ng Ama ang mga patay ay binubuhay rin naman ng Anak ang sinumang ninanais niya. 22 Sapagkat hindi humahatol ang Ama sa sinuman, ngunit ang lahat ng paghatol ay ibinigay sa Anak 23 upang maparangalan ng lahat ang Anak kung paano nila pinaparangalan ang Ama. Ang hindi nagpaparangal sa Anak ay hindi nagpaparangal sa Ama na nagsugo sa kaniya. 24 “Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, siya na dumirinig sa aking salita at sumasampalataya sa kaniya na nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan at hindi pupunta sa paghatol kundi lumipat na mula sa kamatayan patungo sa buhay. 25 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo na ang oras ay darating, at ito ay ngayon na, na maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Diyos at sila na nakarinig ay mabubuhay 26 sapagkat kung paanong ang Ama ay mayroong buhay sa kaniyang sarili, sa gayon ding paraan ay ipinagkaloob niya sa Anak na magkaroon ng buhay sa kaniyang sarili. 27 Ang kapamahalaan ay ipinagkaloob din sa kaniya upang magsagawa ng paghatol sapagkat siya ay Anak ng Tao. 28 Huwag kayong mamangha sa bagay na ito sapagkat darating ang oras na ang lahat niyaong nasa mga libingan ay makakarinig ng kaniyang tinig, 29 at sila na gumawa ng mabuti ay babangon patungo sa muling pagkabuhay sa buhay na walang hanggan, subalit sila na mga gumawa ng masama ay babangon patungo sa muling pagkabuhay sa kahatulan. 30 Hindi ako makakagawa ng anuman na mula sa aking sarili. Ako ay humahatol ayon sa naririnig ko at ang aking hatol ay matuwid sapagkat hindi ko hinahangad ang aking kalooban kundi ang kalooban ng Ama na nagsugo sa akin. 31 “Kung ako ay magpapatotoo patungkol sa aking sarili, ang aking patotoo ay hindi totoo. 32 Mayroong iba na nagpapatotoo patungkol sa akin at alam ko na totoo ang patotoong pinatotohanan niya patungkol sa akin. 33 Kayo ay nagsugo kay Juan at siya ay nagpatotoo sa katotohanan. 34 Subalit hindi ako tumatanggap ng patotoo mula sa tao, ngunit sinasabi ko ang mga bagay na ito upang kayo ay maligtas. 35 Siya ang nagniningas at nagliliwanag na ilawan, at ninais ninyong lubhang magalak sa kaniyang liwanag sa maikling panahon. 36 Subalit mayroon akong patotoo na lalong dakila kaysa kay Juan sapagkat ang mga gawain na ipinagkaloob sa akin ng Ama na aking ganapin, ang mga gawaing ito mismo na aking ginagawa, ay nagpapatotoo patungkol sa akin na ang Ama ang nagsugo sa akin. 37 Ang Ama mismo na nagsugo sa akin ang nagpatotoo patungkol sa akin. Kailanman ay hindi ninyo narinig ang kaniyang tinig, ni nakita man ang kaniyang anyo. 38 Hindi ninyo pinapanatili ang kaniyang salita sa inyo sapagkat siya na kaniyang sinugo ay hindi ninyo sinasampalatayanan. 39 Sinasaliksik ninyo ang mga Kasulatan sapagkat iniisip ninyong sa mga iyon kayo ay may buhay na walang hanggan, at ang mga iyon ang nagpapatotoo patungkol sa akin, 40 ngunit hindi ninyo ninanais na lumapit sa akin upang kayo ay magkaroon ng buhay. 41 “Hindi ako tumatanggap ng kaluwalhatian mula sa mga tao. 42 Subalit kilala ko na kayo, na wala sa inyong mga sarili ang pag-ibig ng Diyos. 43 Pumarito ako sa pangalan ng aking Ama at hindi ninyo ako tinanggap. Kapag may ibang pumarito sa kaniyang sariling pangalan, siya ang inyong tatanggapin. 44 Papaano kayo makakasampalataya, kayo na tumatanggap ng kaluwalhatian sa isa't isa ngunit hindi ninyo hinahanap ang kaluwalhatiang mula sa iisang Diyos? 45 Huwag ninyong isiping pararatangan ko kayo sa Ama. Ang isang nagpaparatang sa inyo ay si Moises na siya ninyong inasahan 46 dahil kung nananampalataya kayo kay Moises, nananampalataya rin kayo sa akin sapagkat siya yaong sumulat patungkol sa akin. 47 Ngunit kung hindi ninyo sinasampalatayanan ang kaniyang mga sulat, paano ninyo sasampalatayanan ang aking mga salita?” John 812 Nang magkagayon, nagsalitang muli si Jesus sa kanila na sinasabi, “Ako ang ilaw ng sangkatauhan. Siya na sumusunod sa akin ay hinding-hindi lalakad sa kadiliman kundi magkakaroon ng ilaw ng buhay.” 13 Kaya sinabi ng mga Fariseo sa kaniya, “Nagpapatotoo ka sa iyong sarili. Ang iyong patotoo ay hindi totoo.” 14 Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Bagaman ako ay magpapatotoo patungkol sa aking sarili, ang aking patotoo ay totoo sapagkat alam ko kung saan ako nanggaling at kung saan ako pupunta, ngunit hindi ninyo alam kung saan ako nanggaling at kung saan ako pupunta. 15 Kayo ay humahatol ayon sa laman. Hindi ko hinahatulan ang sinuman. 16 Kung ako man ay hahatol, ang aking hatol ay totoo dahil hindi ako humahatol na nag-iisa kundi ako at ang aking Ama na nagsugo sa akin. 17 Nakasulat din sa inyong Kautusan na ang patotoo ng dalawang tao ay totoo. 18 Ako ang nagpapatotoo patungkol sa aking sarili at ang Ama na nagsugo sa akin ay nagpapatotoo patungkol sa akin.” 19 Kaya sinabi nila sa kaniya, “Nasaan ang iyong Ama?” Sumagot si Jesus, “Hindi ninyo ako nakilala, ni ang aking Ama. Kung nakilala ninyo ako ay nakilala rin ninyo ang aking Ama.” 20 Ang mga salitang ito ay sinabi ni Jesus malapit sa kaban ng yaman ng templo habang siya ay nagtuturo at walang sinumang dumakip sa kaniya sapagkat hindi pa dumating ang kaniyang oras. 21 Muling sinabi ni Jesus sa kanila, “Ako ay aalis at hahanapin ninyo ako. Kayo ay mamamatay sa inyong mga kasalanan at hindi kayo makakapunta sa aking paroroonan.” 22 Sinabi ng mga Judio, “Magpapakamatay ba siya kaya niya sinabi, ‘Sa aking paroroonan ay hindi kayo makakapunta’?” 23 Sinabi niya sa kanila, “Kayo ay mula sa ibaba, ako ay mula sa itaas. Kayo ay mula sa sanlibutang ito at ako ay hindi mula sa sanlibutang ito. 24 Kaya ko sinabi sa inyo na kayo ay mamamatay sa inyong mga kasalanan dahil kung hindi kayo sasampalataya na ako iyon, mamamatay kayo sa inyong mga kasalanan.” 25 Kaya sinabi nila sa kaniya, “Sino ka ba?” At sinabi ni Jesus sa kanila, “Ako nga yaong sinasabi ko rin sa inyo sa simula. 26 Maraming mga bagay akong sasabihin at ihahatol patungkol sa inyo. Gayunpaman, siya na nagsugo sa akin ay totoo at sinasabi ko sa sangkatauhan ang mga bagay na narinig ko mula sa kaniya.” 27 Hindi nila naunawaan na ang sinabi niya sa kanila ay patungkol sa Ama. 28 Kaya nga, sinabi ni Jesus sa kanila, “Kapag naitaas na ninyo ang Anak ng Tao ay saka ninyo malalaman na ako iyon at wala akong ginagawa mula sa aking sarili. Subalit kung paano ako tinuruan ng aking Ama, sinasabi ko ang mga bagay na ito. 29 Siya na nagsugo sa akin ay kasama ko. Hindi ako iniwanang mag-isa ng Ama sapagkat palagi kong ginagawa ang mga bagay na nakakalugod sa kaniya.” 30 Habang sinasabi niya ang mga bagay na ito, marami ang sumampalataya sa kaniya. 31 Sinabi nga ni Jesus sa mga Judio na sumampalataya sa kaniya, “Kapag mananatili kayo sa aking salita, totoong kayo ay aking mga alagad. 32 Malalaman ninyo ang katotohanan at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.” 33 Sila ay sumagot sa kaniya, “Kami ay binhi ni Abraham at kailanman ay hindi kami naging alipin ninuman. Sa anong paraan mo sinasabi na ‘kami ay magiging malaya’?” 34 Sumagot si Jesus sa kanila, “Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, ang gumagawa ng kasalanan ay alipin ng kasalanan. 35 Ang alipin ay hindi nananatili sa bahay magpakailanman. Ang anak ay nananatili magpakailanman. 36 Kung palalayain nga kayo ng anak, tunay na kayo ay magiging malaya. 37 Alam ko na kayo ay binhi ni Abraham, ngunit hinahanap ninyo ako upang patayin sapagkat ang aking salita ay walang puwang sa inyo. 38 Sinasabi ko ang mga bagay na aking nakita sa aking Ama at ginagawa naman ninyo ang mga bagay na nakita ninyo sa inyong ama.” 39 Sila ay sumagot at sinabi sa kaniya, “Si Abraham ang aming ama.” Sinabi ni Jesus sa kanila, “Yamang kayo ay mga anak ni Abraham, gagawin ninyo ang mga gawa ni Abraham. 40 Ngunit ngayon ay hinahanap ninyo ako, ang taong nagsabi sa inyo ng katotohanan na aking narinig mula sa Diyos, upang patayin. Ito ay hindi ginawa ni Abraham. 41 Ginagawa ninyo ang mga gawa ng inyong ama.” Sinabi nila sa kaniya, “Kami ay hindi ipinanganak sa pakikiapid. Kami ay mayroong isang ama, ang Diyos.” 42 Sinabi nga ni Jesus sa kanila, “Kung ang Diyos ang inyong Ama, inibig sana ninyo ako sapagkat ako ay nagmula at dumating mula sa Diyos. Hindi ako naparito sa aking sarili kundi sinugo niya ako. 43 Bakit hindi ninyo nauunawaan ang aking pananalita? Ang dahilan ay hindi ninyo magawang dinggin ang aking salita. 44 Kayo ay sa inyong ama, ang diyablo, at ang masasamang hangarin ng inyong ama ang ninanais ninyong gawin. Siya ay mamamatay-tao mula sa simula. Siya ay hindi nananatili sa katotohanan sapagkat ang katotohanan ay wala sa kaniya. Kapag siya ay nagsasalita ng kasinungalingan, siya ay nagsasalita para sa kaniya sapagkat siya ay sinungaling at ang ama nito. 45 Dahil nagsasabi ako sa inyo ng katotohanan, hindi kayo sumasampalataya sa akin. 46 Sino sa inyo ang umuusig sa akin patungkol sa kasalanan? Kung ako ay nagsasabi ng katotohanan, bakit hindi kayo sumasampalataya sa akin? 47 Siya na mula sa Diyos ay nakikinig ng mga salita ng Diyos. Kaya nga, hindi kayo nakikinig ng mga salita ng Diyos sapagkat hindi kayo sa Diyos.” 48 Sumagot nga ang mga Judio at sinabi sa kaniya, “Hindi ba tama ang aming sinabi na ikaw ay Samaritano at ikaw ay mayroong demonyo?” 49 Sumagot si Jesus, “Wala akong demonyo. Pinaparangalan ko ang aking Ama at inaalisan ninyo ako ng karangalan. 50 Hindi ko hinahanap ang aking kaluwalhatian. May isang naghahanap nito at humahatol. 51 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, ang sinumang tutupad sa aking salita ay hindi makakaranas ng kamatayan magpakailanman.” 52 Sinabi nga ng mga Judio sa kaniya, “Ngayon ay alam na namin na mayroon kang demonyo. Si Abraham at ang mga propeta ay namatay, ngunit sinasabi mo, ‘Kung ang sinuman ay tutupad ng aking salita, siya ay hindi makakaranas ng kamatayan magpakailanman.’ 53 Higit ka pa bang dakila kaysa sa aming ama na si Abraham? Siya ay namatay, gayundin ang mga propeta. Ano ba ang palagay mo sa iyong sarili?” 54 Sumagot si Jesus, “Kung niluluwalhati ko ang aking sarili, ang aking kaluwalhatian ay walang kabuluhan. Ang aking Ama ang siyang lumuluwalhati sa akin, siya ang inyong sinasabing Diyos ninyo. 55 Hindi ninyo siya kilala ngunit kilala ko siya. Kapag sinabi ko, ‘Hindi ko siya kilala,’ ako ay magiging sinungaling katulad ninyo. Kilala ko siya at tinutupad ko ang kaniyang salita. 56 Ang inyong ama na si Abraham ay nagalak na makita niya ang aking araw. Nakita niya ito at siya ay natuwa.” 57 Sinabi nga ng mga Judio sa kaniya, “Wala ka pang limampung taong gulang at nakita mo na si Abraham?” 58 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, bago pa si Abraham ay ako na.” 59 Kaya sila ay dumampot ng mga bato upang siya ay batuhin, ngunit si Jesus ay nagtago. Siya ay lumabas sa templo sa pamamagitan ng pagdaan sa kanilang kalagitnaan. |