Kristus ennen Pilatusta
| Secondary Keywords | aba Jeesus Jeesus Joulu kuulusteltu pahimakas Pasko ng Pagkabuhay Pilato Särkynyt silakbo ng damdamin Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | John 1828 Dinala nga nila si Jesus mula kay Caifas patungo sa Pretorio, ngunit maaga pa noon kaya hindi sila pumasok sa Pretorio nang hindi sila madungisan at upang sila ay makakain sa Araw ng Paglagpas. 29 Kaya lumabas si Pilato at sinabi sa kanila, “Anong paratang ang dala ninyo laban sa taong ito?” 30 Sila ay sumagot at sinabi sa kaniya, “Kung hindi salarin ang taong ito, hindi na sana namin siya ibinigay sa iyo.” 31 Sinabi nga ni Pilato sa kanila, “Kunin ninyo siya at hatulan ninyo siya ayon sa inyong batas.” Sinabi nga ng mga pinuno ng mga Judio sa kaniya, “Wala kaming karapatang pumatay ng sinuman.” 32 Ito ay upang matupad ang sinabi ni Jesus nang kaniyang ipahayag kung sa anong paraan ng kamatayan siya ay mamamatay. 33 Pumasok ngang muli si Pilato sa Pretorio, tinawag si Jesus at sinabi sa kaniya, “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?” 34 Sumagot sa kaniya si Jesus, “Sinasabi mo ba ito mula sa iyong sarili? O may ibang nagsabi sa iyo patungkol sa akin?” 35 Sumagot si Pilato, “Ako ba ay isang Judio? Dinala ka sa akin ng iyong sariling bansa at ng mga punong saserdote. Ano ba ang ginawa mo?” 36 Sumagot si Jesus, “Ang aking paghahari ay hindi mula sa sanlibutang ito. Kung ang aking paghahari ay mula sa sanlibutang ito, makikipaglaban sana ang aking mga lingkod upang hindi ako maibigay sa mga pinuno ng mga Judio. Ngunit ngayon ang aking paghahari ay hindi rito nagmula.” 37 Kaya nga sinabi ni Pilato sa kaniya, “Kung gayon, ikaw ba ay isang hari?” Sumagot si Jesus, “Ikaw ang nagsasabi na ako ay isang hari. Ito ang dahilan kung bakit ako ipinanganak at sa dahilang ito ay pumarito ako sa sanlibutan upang magpatotoo sa katotohanan. Ang bawat isang nasa katotohanan ay dumirinig ng aking tinig.” 38 Sinabi ni Pilato sa kaniya, “Ano ang katotohanan?” Pagkasabi niya nito, muli siyang pumunta sa mga pinuno ng mga Judio at sinabi sa kanila, “Wala akong nakikita ni isang kasalanan sa kaniya. Luke 231 Nang ang kabuuan ng kanilang malaking bilang sa kanila ay tumayo, si Jesus ay dinala nila kay Pilato. 2 At sila ay nagsimula upang paratangan siya na sinasabi, “Natagpuan namin ang taong ito na inililigaw ang bayan at ipinagbabawal ang pagbabayad ng buwis kay Cesar sa pagsasabing siya mismo ang Cristo, ang hari.” 3 At tinanong ni Pilato si Jesus na sinasabi, “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?” At si Jesus ay sumagot sa kaniya na sinasabi, “Ikaw ang nagsabi nito.” 4 Kaya si Pilato ay nagsabi sa mga punong saserdote at sa napakaraming tao, “Wala akong nakikitang dahilan upang hatulan ang taong ito.” 5 Ngunit sila ay lalong nagpupumilit na sinasabi, “Inuudyukan niya ang mga tao sa kaniyang pagtuturo sa buong Judea simula sa Galilea hanggang dito.” Mark 151 Kinaumagahan, ang mga punong saserdote ay kaagad bumuo ng sanggunian, kasama ang matatanda at ang mga eskriba at ang buong Sanhedrin. Pagkagapos nila kay Jesus, siya ay dinala nila at ibinigay kay Pilato. 2 At si Pilato ay nagtanong sa kaniya, “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?” Ngunit nang sumagot si Jesus, sinabi niya sa kaniya, “Ikaw ang nagsasabi.” 3 At ang mga punong saserdote ay nagparatang sa kaniya ng maraming bagay ngunit wala siyang isinagot. 4 Kaya si Pilato ay muling nagtanong sa kaniya na sinasabi, “Wala ka bang isinasagot na anuman? Tingnan mo kung gaano karami ang ipinaparatang nila laban sa iyo” 5 Ngunit si Jesus ay wala pa ring anumang isinagot upang mamangha si Pilato. Matthew 2711 Si Jesus ay tumayo sa harap ng gobernador at siya ay tinanong ng gobernador na sinasabi, “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?” At si Jesus ay sumagot sa kaniya, “Ikaw ang nagsasabi.” 12 At nang siya ay pinaparatangan ng mga punong saserdote at ng matatanda, siya ay walang isinagot. 13 Kaya sinabi ni Pilato sa kaniya, “Hindi mo ba naririnig kung gaano karami ang kanilang ipinaparatang laban sa iyo?” 14 At si Jesus ay hindi sumagot sa kaniya ng kahit isang salita, kung kaya ang gobernador ay labis na namangha. |