wjpas0647
| Secondary Keywords | bato Jeesus Jeesus Joulu kuwento magturo makipag-usap Miehet miehet Mies Opettaja opettaja opetuksen opettamista parabula pariseo Puhuminen puhuu Satumaa Seuraaja |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Lucas 20:21-25 Marcos 12:14-17 Matthew 22:17-21 |
Luke 2021 Kaya siya ay kanilang tinanong na sinasabi, “Guro, alam naming ikaw ay nagsasalita at nagtuturo ng tama, at ikaw ay hindi nagtatangi ng sinuman, ngunit sa katotohanan ay itinuturo mo ang daan ng Diyos.22 Ipinapahintulot ba sa Kautusan na kami ay magbigay ng buwis kay Cesar o hindi?”23 Ngunit nang nalaman niya ang kanilang katusuhan, sinabi niya sa kanila, “Bakit ninyo ako sinusubok?24 Ipakita ninyo sa akin ang isang denaryo°. Kaninong anyo at sulat ang nakatatak dito?” At sila ay sumagot, “Kay Cesar.”25 Kaya sinabi niya sa kanila, “Ibigay nga ninyo kay Cesar ang mga bagay na nauukol kay Cesar at ibigay ninyo sa Diyos ang mga bagay na nauukol sa Diyos.” Mark 1214 At sa kanilang pagdating, sinabi nila sa kaniya, “Guro, alam namin na ikaw ay totoo at hindi ka pumapanig kaninuman sapagkat hindi ka tumitingin sa panlabas na anyo ng mga tao, sa halip ay itinuturo mo ang daan ng Diyos ayon sa katotohanan. Ipinapahintulot ba ng Kautusan ang pagbigay ng buwis kay Cesar o hindi?15 Magbibigay ba kami o hindi kami magbibigay?” Ngunit dahil alam ni Jesus ang kanilang pagpapaimbabaw, sinabi niya sa kanila, “Bakit ninyo ako sinusubok? Magdala kayo sa akin ng denaryo° upang makita.”16 Kaya sila ay nagdala sa kaniya. At sinabi niya sa kanila, “Kaninong anyo at sulat ang nakatatak dito?” At sinabi nila sa kaniya, “Kay Cesar.”17 At nang sumagot si Jesus, sinabi niya sa kanila, “Ibigay ninyo kay Cesar ang mga bagay na nauukol kay Cesar at ibigay ninyo sa Diyos ang mga bagay na nauukol sa Diyos.” Kaya namangha sila sa kaniya. Matthew 2217 Kaya sabihin mo sa amin, Ano sa iyong palagay? Ipinahihintulot ba na magbigay ng buwis kay Cesar o hindi?”18 Ngunit dahil sa alam ni Jesus ang kanilang kasamaan ay kaniyang sinabi, “Mga mapagpaimbabaw, bakit ninyo ako sinusubok?19 Ipakita ninyo sa akin ang perang para sa buwis.” Kaya dinala nila sa kaniya ang isang denaryo°.20 At sinabi niya sa kanila, “Kaninong anyo at sulat ang nakatatak dito?”21 Sinabi nila sa kaniya, “Kay Cesar.” Pagkatapos ay sinabi niya sa kanila, “Kaya ibigay ninyo kay Cesar ang ukol kay Cesar at ibigay ninyo sa Diyos ang ukol sa Diyos.” | |








