11 At nakita ko ang langit na nakabukas na, at narito ang isang puting kabayo, at yaong nakaupo sa kaniya ay tinatawag na Tapat at Totoo, at siya ay humahatol at nakikipagdigma sa pamamagitan ng katuwiran.12 At ang kaniyang mga mata ay katulad ng alab ng apoy at sa kaniyang ulo ay maraming putong, at siya ay nagtataglay ng pangalan na nakasulat na walang sinumang nakakaalam maliban sa kaniya.13 At siya ay nakasuot ng isang kasuotang itinubog sa dugo at tinatawag ang kaniyang pangalan na Salita ng Diyos.