Kristus matkalla Jerusalemiin
| Secondary Keywords | Cristo Hamon jerusalem Jesus mga Pariseo pahimakas Tie tie Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Luke 1129 At nang dumagsa ang napakaraming tao, siya ay nagsimulang magsalita. “Ang masamang lahing ito ay mahigpit na naghahanap ng tanda, subalit walang tanda na ibibigay sa kanila maliban sa tanda ni Jonas na propeta 30 sapagkat kung paanong naging tanda si Jonas sa mga taga-Nineve, gayundin ang Anak ng Tao sa lahing ito. 31 Ang reyna ng timog ay titindig sa paghuhukom kasama ang mga lalaki ng lahing ito at hahatulan sila, sapagkat siya ay dumating mula sa kadulu-duluhan ng daigdig upang pakinggan ang karunungan ni Solomon. Ngunit narito, ang isang higit kaysa kay Solomon ay nandito. 32 Ang mga lalaki sa Nineve ay tatayo sa paghuhukom kasama ng lahing ito at kanilang hahatulan ang lahing ito sapagkat sila ay nagsisi dahil sa pangangaral ni Jonas. Ngunit narito, ang isang higit kaysa kay Jonas ay nandito. 33 “Walang sinuman na pagkasindi ng ilawan ay inilalagay ito sa lihim na dako, o sa ilalim ng takalan kundi sa lalagyan ng ilawan upang makita ng mga pumapasok ang liwanag. 34 Ang ilawan ng katawan ay ang mata. Kaya kapag malinaw ang iyong mata, ang iyong buong katawan ay puno rin ng liwanag, subalit kapag ito ay masama, ang iyong katawan ay puno rin ng kadiliman. 35 Kaya tingnan mong mabuti na ang liwanag na nasa iyo ay hindi maging kadiliman. 36 Kaya kung ang buong katawan mo ay puno ng liwanag na walang anumang bahaging madilim, ang buong katawan ay magiging puno ng liwanag katulad sa ningning ng ilawan kapag magliliwanag sa iyo.” Mark 101 Pagkatayo ni Jesus mula roon, siya ay pumunta patungo sa mga nasasakupan ng Judea hanggang sa kabilang ibayo ng Jordan. Muling naglakbay na sama-sama ang napakaraming tao patungo sa kaniya at kagaya ng kinaugalian niya, sila ay tinuruan niyang muli. 2 At ang mga Fariseo na lumapit kay Jesus ay nagtanong sa kaniya upang siya ay subukin nila, “Ipinapahintulot ba sa Kautusan na paalisin ng asawang lalaki ang kaniyang asawang babae?” 3 Ngunit sumagot si Jesus na sinasabi sa kanila, “Ano ang iniutos sa inyo ni Moises?” 4 Subalit sinabi nila, “Ipinahintulot ni Moises na magsulat ng kasulatan ng paghihiwalay at siya ay paalisin.” 5 At sa pagsagot ni Jesus ay sinabi niya sa kanila, “Dahil sa katigasan ng inyong puso sinulat niya ang utos na ito para sa inyo. 6 Subalit mula sa simula ng paglalang, ‘ginawa sila ng Diyos na lalaki at babae.’ Gen 1:27; 5:2 7 ‘Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kaniyang ama at ina at makikipag-isa sa kaniyang asawa 8 at ang dalawa ay magiging isang laman,’ Gen 2:24 kung kaya hindi na sila dalawa kundi isang laman. 9 Kaya nga, ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.” 10 At pagdating sa bahay, siya ay muling tinanong ng kaniyang mga alagad patungkol din sa bagay na ito. 11 At sinabi niya sa kanila, “Ang sinumang magpapalayas sa kaniyang asawang babae at mag-aasawa ng iba ay nagkakasala ng pangangalunya laban sa kaniya. 12 At kapag ang babae ay magpapalayas sa kaniyang asawang lalaki at mag-aasawa ng iba, siya ay nagkakasala ng pangangalunya.” Mark 810 At nang siya ay sumakay sa bangka kasama ng kaniyang mga alagad, nagtungo siya kaagad sa mga baybayin ng Dalmanuta. 11 At lumabas ang mga Fariseo at nagsimula silang magtanong sa kaniya, na hinahanapan siya ng tanda mula sa langit upang subukin siya. 12 At sa kaniyang malalim na pagdaing sa kaniyang espiritu ay sinasabi niya, “Bakit masikap na naghahanap ng tanda ang lahing ito? Katotohanang sinasabi ko sa inyo, walang ibibigay na tanda sa lahing ito.” 13 At pagkaiwan niya sa kanila at pagkasakay niyang muli sa bangka, siya ay tumawid sa kabilang ibayo. 14 At nakalimutan ng mga alagad na magdala ng tinapay at wala silang dalang tinapay sa bangka maliban sa isa. 15 At pinagbibilinan sila ni Jesus na sinasabi, “Masdan ninyo, mag-ingat kayo sa pampaalsa ng mga Fariseo at sa pampaalsa ni Herodes.” 16 At sila ay nagbigay-katuwiran sa isa't isa na sinasabi, “Ito ay dahil wala tayong tinapay.” 17 At nang nalaman ito ni Jesus ay sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo nagbigay-katuwiran na wala kayong tinapay? Hindi ba ninyo nalalaman, ni hindi nauunawaan? Pinatigas pa rin ba ang inyong puso? 18 Mayroon kayong mga mata, hindi ba ninyo nakikita? Mayroon kayong mga tainga, hindi ba ninyo naririnig? Hindi ba ninyo naaalala? 19 Nang pinagputul-putol ko ang limang tinapay para sa limang libo, ilang bakol na puno ng mga pira-pirasong tinapay ang inipon ninyo?” Sinabi nila sa kaniya, “Labindalawa.” 20 “At nang pinagputul-putol ko ang pitong tinapay para sa apat na libo, ilang kaing ang napuno ng mga pira-pirasong tinapay ang inipon ninyo?” Sinabi nila, “Pito.” 21 At sinabi niya sa kanila, “Paanong ito ay hindi ninyo nauunawaan?” Matthew 161 Lumapit ang mga Fariseo at ang mga Saduseo, sa kanilang panunubok, hiniling nila sa kaniya na magpakita siya sa kanila ng tanda mula sa langit. 2 Sumagot siya at sinabi sa kanila, “Sa pagsapit ng gabi, sinasabi ninyo, ‘Mabuti ang panahon dahil pumupula ang langit.’ 3 At sa umaga ay sinasabi ninyo, ‘Ngayong araw, masama ang panahon dahil pumupula at kumukulimlim ang langit.’ Mga mapagpaimbabaw! Marurunong nga kayong kilalanin ang anyo ng langit subalit hindi ninyo kaya ang mga tanda ng mga nakatakdang panahon. 4 Ang lahing masama at mapangalunya ay naghahanap ng tanda ngunit walang ibibigay na tanda sa kaniya maliban sa tanda ni Jonas na propeta.” At sila ay kaniyang iniwan at umalis. 5 At nang ang kaniyang mga alagad ay nakarating sa kabilang ibayo, nakalimutan nilang magdala ng mga tinapay. 6 Kaya sinabi ni Jesus sa kanila, “Magbantay kayo at mag-ingat kayo sa pampaalsa ng mga Fariseo at ng mga Saduseo.” 7 Ngunit sila ay nagbigay-katuwiran sa kanilang mga sarili na sinasabi, “Ito ay dahil wala tayong dinalang mga tinapay.” 8 Ngunit dahil ito ay alam ni Jesus, sinabi niya sa kanila, “Kayong maliit ang pananampalataya, bakit kayo nagbigay-katuwiran sa inyong mga sarili na hindi kayo nagdala ng mga tinapay? 9 Hindi pa ba ninyo nauunawaan, ni naaalala ang limang tinapay ng limang libo, at ilang bakol ang inyong nakuha? 10 O kaya ang pitong tinapay ng apat na libo, at ilang kaing ang inyong nakuha? 11 Bakit hindi ninyo nauunawaan na hindi patungkol sa tinapay ang sinabi ko sa inyo? Mag-ingat kayo sa pampaalsa ng mga Fariseo at ng mga Saduseo.” 12 Pagkatapos nito ay naunawaan nila na hindi niya sinabi na mag-ingat sila sa pampaalsa ng tinapay kundi sa katuruan ng mga Fariseo at ng mga Saduseo. Matthew 191 At nangyari, nang natapos na ni Jesus ang mga pananalitang ito, siya ay umalis sa Galilea at pumunta sa mga hangganan ng Judea sa kabilang ibayo ng Jordan. 2 At siya ay sinundan ng lubhang napakaraming tao at sila ay pinagaling niya roon. 3 Nilapitan din siya ng mga Fariseo upang siya ay subukin. At sinabi nila sa kaniya, “Ipinapahintulot ba na paalisin ng isang lalaki ang kaniyang asawang babae sa anumang kadahilanan?” 4 Siya ay sumagot at sinabi sa kanila, “Hindi ba ninyo nabasa na siya na lumalang mula sa simula ay nilalang sila na lalaki at babae? Gen 1:27; 5:2 5 Sinabi pa niya, ‘Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kaniyang ama at ina, at makikipag-isa sa kaniyang asawa at ang dalawa ay magiging isang laman.’ Gen 2:24 6 Kung kaya, hindi na sila dalawa kundi isang laman. Kaya nga, ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.” 7 Sinabi nila sa kaniya, “Kung gayon, bakit iniutos ni Moises na magbigay ng isang kasulatan ng paghihiwalay at paalisin ang babae?” 8 Sinabi niya sa kanila, “Si Moises ay nagbigay ng pahintulot dahil sa katigasan ng inyong mga puso na paalisin ninyo ang inyong mga asawa, ngunit mula sa simula ay hindi nga ganoon. 9 At sinasabi ko sa inyo na ang sinumang magpaalis sa kaniyang asawang babae maliban na ito ay dahil sa pakikiapid at mag-aasawa ng iba ay nagkakasala ng pangangaluniya. At ang sinumang magpakasal sa kaniya na pinaalis ay nagkakasala ng pangangalunya.” 10 Sinabi ng kaniyang mga alagad sa kaniya, “Kung ganiyan ang kalagayan ng lalaki sa kaniyang asawa, nakabubuting hindi na mag-asawa.” 11 Ngunit sinabi niya sa kanila, “Hindi tinatanggap ng lahat ang pananalitang ito maliban sa kanila na pinagkalooban nito 12 sapagkat may mga kapon na ipinanganak nang gayon mula pa sa sinapupunan ng kanilang ina. At may mga kapon naman na ginagawang kapon ng mga tao at may mga kapon na ginawa nilang kapon ang kanilang mga sarili alang-alang sa paghahari ng langit. Siya na kayang tanggapin ito ay hayaan siyang tumanggap nito.” |