Kristus saarnaa
| Secondary Keywords | Galilea Jeesus Jeesus Joulu labas pahimakas pangangaral Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Luke 1720 At nang tinanong siya ng mga Fariseo kung kailan darating ang paghahari ng Diyos, siya ay sumagot at sinabi sa kanila, “Ang paghahari ng Diyos ay hindi dumarating sa pamamagitan ng pagmamasid, 21 ni sa kanilang sasabihin, ‘Tingnan mo rito!’ o ‘Tingnan mo roon!’ Narito, sapagkat ang paghahari ng Diyos ay nasa inyo.” 22 At sinabi ni Jesus sa mga alagad, “Darating ang mga araw na mahigpit ninyong hahangarin na makita ang isa sa mga araw ng Anak ng Tao at hindi ninyo ito makikita. 23 At sasabihin nila sa inyo, ‘Tingnan mo rito!’ o ‘Tingnan mo roon!’ Huwag ninyo silang pupuntahan, ni susundan, 24 sapagkat kung paano ang pagningning ng kidlat ay nagliliwanag mula sa isang bahagi sa ilalim ng langit hanggang sa isang bahagi sa ilalim ng langit, gayundin ang pagdating ng Anak ng Tao sa araw niya. 25 Ngunit kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at tanggihan ng lahing ito. 26 At kagaya ng nangyari sa mga araw ni Noe, magiging gayundin sa mga araw ng Anak ng Tao. 27 Sila ay kumakain, sila ay umiinom, sila ay nag-aasawa at sila ay ipinapakasal hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong at dumating ang baha at silang lahat ay napahamak. 28 Gayundin naman ang nangyari sa mga araw ni Lot. Sila ay kumakain, sila ay umiinom, sila ay bumibili, sila ay nagtitinda, sila ay nagtatanim at sila ay nagtatayo. 29 Ngunit sa araw na si Lot ay lumabas mula sa Sodoma, umulan ng apoy at asupre mula sa langit at silang lahat ay napahamak. 30 Katulad ng mga ito ang mangyayari sa araw na ang Anak ng Tao ay inihahayag. 31 “Sa araw na iyon, siya na nasa bubungan at ang kaniyang mga ari-arian ay nasa loob ng bahay, huwag na siyang hayaang bumaba upang kunin ang mga ito. At siya na nasa bukid ay gayundin, huwag na siyang hayaang bumalik. 32 Alalahanin ninyo ang asawa ni Lot. 33 Kapag ang sinuman ay magnanais na ingatan ang kaniyang buhay ay mawawalan nito, ngunit kapag ang sinuman na ang kaniyang buhay ay mawawala ay maiingatan ito. 34 Sinasabi ko sa inyo, sa gabing iyon ay may dalawang tao sa isang higaan, ang isa ay makukuha at ang isa ay maiiwan. 35 Dalawang babae ang naggigiling na magkasama sa isang lugar, ang isa ay makukuha at ang isa ay maiiwan. 36 Dalawang lalaki ang nasa bukid, ang isa ay makukuha at ang isa ay maiiwan.” 37 At sila ay sumagot at sinabi sa kaniya, “Panginoon, saan?” Sinabi niya sa kanila, “Kung saan naroroon ang patay na katawan, doon matitipon ang mga buwitre.” Matthew 1120 Pagkatapos nito, siya ay nagsimulang sumbatan ang mga lungsod kung saan naganap ang pinakamarami sa kaniyang makapangyarihang mga gawa, sapagkat hindi sila nagsisi. 21 “Sa iyong aba, Corazin! Sa iyong aba, Betsaida! Sapagkat kung ang mga makapangyahirang gawa na nangyari sa inyo ay nangyari sa Tiro at Sidon, sila ay matagal na sanang nagsisi na nasa kasuotang-sako at abo. 22 Gayunpaman, sinasabi ko sa inyo, magiging mas madaling tiisin ang sa Tiro at sa Sidon sa araw ng paghuhukom kaysa sa inyo. 23 At ikaw Capernaum, ikaw na itinaas hanggang sa langit, ikaw ay ibababa hanggang sa Hades sapagkat kung ang mga makapangyarihang gawa na nangyari sa iyo ay nangyari sa Sodoma, nananatili sana sila hanggang sa araw na ito. 24 Gayunpaman ay sinasabi ko sa inyo na magiging mas madaling tiisin ang sa lupain ng Sodoma sa araw ng paghuhukom kaysa sa inyo.” 25 Sa panahong iyon, si Jesus ay sumagot at sinabi, “O Ama, ipinagbubunyi kita, Panginoon ng langit at ng lupa, sapagkat itinago mo ang mga bagay na ito mula sa matatalino at marurunong, ngunit ipinahayag mo ang mga ito sa mga sanggol. 26 Gayon nga Ama, sapagkat ito nga ay naging kaluguran sa iyong paningin. 27 Ang lahat ay ipinagkaloob sa akin ng aking Ama at walang sinumang lubos na nakakakilala sa Anak kundi ang Ama, ni walang sinumang lubos na nakakakilala sa Ama kundi ang Anak, at sa sinumang ibig na pagpahayagan ng Anak. 28 Pumarito kayo sa akin, kayong lahat na nagpapagal at nabibigatang lubha, bibigyan ko kayo ng kapahingahan. 29 Pasanin ninyo ang aking pamatok at matuto kayo sa akin sapagkat ako ay maamo at mapagpakumbaba sa puso, at masusumpungan ninyo ang kapahingahan sa inyong mga kaluluwa 30 sapagkat ang aking pamatok ay madali at ang aking pasanin ay magaan.” |








