Kristillinen rakkaus
| Secondary Keywords | Corinto Kristitty pag-ibig pahimakas Roma titik Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | 1 Corinthians 131 Kahit ako ay magsalita ng mga wika ng mga tao at ng mga anghel, ngunit ako ay walang pag-ibig, ako ay naging katulad ng tansong umaalingawngaw o kumakalansing na pompiyang. 2 At kahit ako ay magkaroon ng kaloob ng pagpapahayag at malaman ang lahat ng mga hiwaga at ang lahat ng kaalaman, at kahit ako ay magkaroon ng lahat ng pananampalataya upang ilipat ko ang mga bundok, ngunit ako ay walang pag-ibig, ako ay walang kabuluhan. 3 At kahit ipamigay ko bilang pagkain ng mahihirap ang lahat kong pag-aari at kahit ibigay ko ang aking katawan upang sunugin, ngunit ako ay walang pag-ibig, ako ay walang napakikinabangan. 4 Ang pag-ibig ay nagtitiyaga at gumagawa ng kabutihan. Ang pag-ibig ay hindi naiinggit. Ang pag-ibig ay hindi ipinagyayabang ang sarili, hindi nagmamalaki, 5 hindi nag-aasal ng hindi nararapat, hindi naghahangad ng sariling kapakinabangan, hindi madaling magalit at hindi nagpaparatang ng masama, 6 hindi nagagalak sa kalikuan kundi nagagalak sa katotohanan, 7 binabata ang lahat ng mga bagay, naniniwala sa lahat ng mga bagay, umaasa sa lahat ng mga bagay at tinitiis ang lahat ng mga bagay. 8 Ang pag-ibig ay hindi napupuksa. Ngunit kahit mayroong mga paghahayag, ang mga ito ay lilipas. Kahit mayroong mga wika, ang mga ito ay titigil. Kahit mayroong kaalaman, ito ay lilipas 9 sapagkat ang aming nalalaman ay bahagi lamang at kami ay naghahayag ng bahagi lamang. 10 Ngunit kapag yaong ganap ay dumating, ang bahagi na iyon ay lilipas. 11 Nang ako ay bata pa, ako ay nagsasalita katulad ng bata, ako ay nag-iisip katulad ng bata, ako ay nangangatwiran katulad ng bata. Ngunit nang ako ay nasa gulang na, iniwan ko na ang mga bagay na pambata 12 dahil sa ngayon ay malabo ang ating nakikita sa pamamagitan ng salamin, ngunit pagkatapos nito ay makikita natin nang harapan. Sa ngayon ang aking nalalaman ay bahagi lamang, ngunit pagkatapos nito ay lubos akong makakakilala kung paano rin ako ay lubos na nakilala. 13 At sa ngayon ay nananatili ang tatlong ito, ang pananampalataya, ang pag-asa at ang pag-ibig. Ngunit ang pag-ibig ang pinakadakila sa mga ito. 1 John 31 Narito, sa anong paraan ipinagkaloob sa atin ang pag-ibig ng Ama upang tayo ay tawaging mga anak ng Diyos. Dahil dito, hindi tayo nakikilala ng sangkatauhan sapagkat siya ay hindi kilala nito. 2 Mga minamahal, ngayon, tayo ay mga anak na ng Diyos. Bagaman hindi pa ipinakita kung magiging ano tayo, alam na natin na kapag siya ay nahayag, tayo ay magiging katulad niya sapagkat makikita natin siya kung ano siya. 3 Ang bawat isang nagtataglay ng ganitong pag-asa sa kaniya ay dinadalisay ang kaniyang sarili, katulad niya na dalisay. 4 Ang bawat isang gumagawa ng kasalanan ay gumagawa rin ng hindi pagkilala sa kautusan dahil ang hindi pagkilala sa kautusan ay kasalanan. 5 Alam na ninyo na siya ay inihayag upang alisin ang ating mga kasalanan at sa kaniya ay walang kasalanan. 6 Ang bawat isang nananatili sa kaniya ay hindi nagpapatuloy sa kasalanan, ngunit ang bawat isang nagkakasala ay hindi pa nakakita sa kaniya, ni nakakilala sa kaniya. 7 Munting mga anak, huwag kayong padaya kaninuman. Siya na gumagawa ng katuwiran ay matuwid, katulad niya na matuwid. 8 Siya na gumagawa ng kasalanan ay mula sa diyablo sapagkat ang diyablo ay nagkakasala na mula sa simula. Ang Anak ng Diyos ay nahayag sa dahilang ito upang wasakin niya ang mga gawa ng diyablo. 9 Ang bawat isang ipinanganak mula sa Diyos ay hindi gumagawa ng kasalanan sapagkat ang kaniyang binhi ay nananatili sa kaniya. Hindi siya nagpapatuloy sa kasalanan sapagkat siya ay ipinanganak mula sa Diyos. 10 Sa ganitong paraan nakikilala ang mga anak ng Diyos at ang mga anak ng diyablo. Ang sinumang hindi gumagawa ng katuwiran ay hindi mula sa Diyos, kahit siya na hindi umiibig sa kaniyang kapatid. 11 Ito ang pahayag na inyong narinig mula sa simula, na tayo ay mag-ibigan sa isa't isa, 12 hindi katulad ni Cain na nagmula sa masama, kaya pinatay niya ang kaniyang kapatid. Bakit niya pinatay ang kaniyang kapatid? Sapagkat ang kaniyang mga gawa ay masama subalit ang mga gawa ng kaniyang kapatid ay matuwid. 13 Mga kapatid ko, huwag kayong magtaka kung kinamumuhian kayo ng sangkatauhan. 14 Alam natin na lumipat na tayo mula sa kamatayan patungo sa buhay sapagkat iniibig natin ang mga kapatid. Siya na hindi umiibig sa kaniyang kapatid ay nananatili sa kamatayan. 15 Ang bawat isang namumuhi sa kaniyang kapatid ay mamamatay-tao, at alam ninyo na ang bawat mamamatay-tao ay walang tinataglay na buhay na walang hanggan na nananatili sa kaniya. 16 Sa pamamagitan nito, alam na natin ang pag-ibig ng Diyos sapagkat inialay niya ang kaniyang buhay alang-alang sa atin. Kaya dapat nating ialay ang ating mga buhay alang-alang sa mga kapatid. 17 Ang sinumang mayroong kabuhayan sa sanlibutang ito at nakikita niya ang kaniyang kapatid na mayroong pangangailangan ngunit ipinagkait sa kaniya ang kalooban ng kahabagan, paanong nananatili ang pag-ibig ng Diyos sa kaniya? 18 Munti kong mga anak, huwag tayong umibig sa pamamagitan ng salita, ni ng dila lamang kundi sa pamamagitan ng gawa at sa katotohanan. 19 Sa pamamagitan nito, nalalaman natin na tayo ay mula sa katotohanan at ang ating mga puso ay magkakaroon ng katiyakan sa kaniyang harapan. 20 Ngunit kapag hinahatulan tayo ng ating puso, ang Diyos ay higit kaysa sa ating puso at alam niya ang lahat ng mga bagay. 21 Mga minamahal, kung tayo ay hindi hahatulan ng ating puso, tayo ay mayroong lakas ng loob na humarap sa Diyos. 22 At anuman ang ating hihilingin ay tinatanggap natin mula sa kaniya sapagkat tinutupad natin ang kaniyang mga utos at ginagawa natin ang mga bagay na kalugud-lugod sa kaniyang paningin. 23 At ito ang kaniyang utos, na tayo ay sumampalataya sa pangalan ng kaniyang Anak na si Jesu-Cristo at mag-ibigan tayo sa isa't isa ayon sa ibinigay niyang utos sa atin. 24 At ang sinumang tumutupad sa kaniyang mga utos ay nananatili sa kaniya at siya ay nananatili sa kaniya. At sa pamamagitan nito ay nalalaman natin na siya ay nananatili sa atin sa pamamagitan ng Espiritu na ibinigay niya sa atin. |