Kristuksen esimerkki
| Secondary Keywords | Anna anteeksi Anteeksianto Emmanuel halimbawa henkilö Herra Ihmiset ihmiset immanuaalinen Jeesus Jeesus Joulu kababaang-loob kabataan kasalanan ley lingkod magkapanabay maglingkod mapagmahal Master Messias Miehet miehet Mies moderni moderni moderni moderni moderni moderni moderni moderni moderni moderni moderni moderni moderni moderni moderni moderni modern moderni moderni moderni moderni moderni moderni modern modern modern modern modern modern modern modern modern modern mo nöyrä opetuslapset paa paa washing paghahanda paghahatid paghuhugas pagkamasunurin pagtatalamitam pagtuturo pakikiramay Pesu puhdasta puhdasta Puhdistaa sa serbisyo Seuraaja talampakan Teini Teini-ikäinen Vapahtaja |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | 1 Peter 2 Juan 13 |
1 Peter 21 Kaya itabi na ninyo ang lahat ng masamang hangarin at lahat ng pandaraya at mga pagkukunwari at mga inggitan at lahat ng mga paninirang puri.2 Katulad ng mga sanggol na bagong silang, manabik kayo sa dalisay na gatas ng salita upang sa pamamagitan nito ay lumago kayo3 yamang naranasan ninyo na ang Panginoon ay mabuti.4 Kayo ay lumalapit sa kaniya na siyang batong buhay na itinakwil nga ng mga tao, ngunit sa Diyos siya ay pinili at mahalaga.5 Kayo rin mismo, katulad ng mga batong buhay, ay isang bahay na espirituwal na itinatatag ng Diyos, isang pagkasaserdoteng banal upang maghandog ng mga haing espirituwal na katanggap-tanggap sa Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.6 Dahil din dito, ito ang sinasabi ng Kasulatan, “Narito, inilalagay ko sa Zion ang pangunahing batong‑panulok, pinili at mahalaga. At siya na sumampalataya sa kaniya ay hindi mapapahiya.” Isa 28:167 Kaya sa inyo na mga sumasampalataya, siya ay mahalaga, ngunit sa kanila na masuwayin, “Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ang siyang naging ulo ng panulok,” Awi 118:228 at “batong ikabubuwal at batong katitisuran.” Isa 8:14 Sila na masuwayin ay natitisod sa salita kung saan sila rin ay nakatalaga.9 Ngunit kayo ay isang lahing pinili, isang makaharing pagkasaserdote, isang bansang banal at bayang pag-aari ng Diyos upang inyong ipamalita ang kapurihan niyaong tumawag sa inyo mula sa kadiliman patungo sa kaniyang kamangha-manghang kaliwanagan,10 na noong nakaraan, kayo ay hindi niya bayan ngunit ngayon ay bayan ng Diyos, na mga hindi nagkamit ng kahabagan ngunit ngayon ay nagkamit na ng kahabagan.11 Mga minamahal, bilang mga dayuhan at mga manlalakbay, isinasamo ko sa inyo na kayo ay lumayo sa mga pagnanasa ng laman na nakikipaglaban sa kaluluwa12 sa pamamagitan ng pagkakaroon ninyo ng mabuting pamumuhay sa gitna ng mga Gentil, upang kahit na sila ay nagsasalita laban sa inyo na katulad ng mga gumagawa ng masama ay kanilang pupurihin ang Diyos sa araw ng kaniyang pagdalaw dahil nakita nila ang inyong mabubuting gawa.13 Kaya magpasakop kayo sa bawat pamamahalang itinatag ng tao alang-alang sa Panginoon, kung ito man ay sa hari bilang pinakamataas na pinuno,14 o kung sa mga gobernador man bilang kaniyang mga sugo para sa kaparusahan nga ng mga gumagawa ng masama at karangalan ng mga gumagawa ng mabuti15 sapagkat gayon ang kalooban ng Diyos, na sa pamamagitan ninyo na gumagawa ng mabuti ay mapapatahimik ninyo ang mga taong mangmang na walang kaalaman.16 At bilang mga malaya, huwag ninyong gamitin ang inyong kalayaan bilang panakip sa masamang hangarin, kundi magpasakop kayo bilang mga alipin ng Diyos.17 Igalang ninyo ang lahat ng mga tao. Ibigin ninyo ang kapatiran. Matakot kayo sa Diyos. Igalang ninyo ang hari.18 Mga kasambahay, magpasakop kayo na may buong pagkatakot sa inyong mga amo, hindi lamang sa mababait at mahinahon kundi sa mga liko rin19 sapagkat ito ay kapuri-puri kung ang sinuman ay nagtitiis ng mga kapighatian dahil sa kaniyang hindi makatarungang paghihirap dahil sa pagkakilala sa Diyos.20 At ano ang kapurihan kung kayo ay pinahihirapan dahil nagkakasala kayo, ito ay inyong tinitiis? Ngunit kung kayo ay pinahihirapan dahil gumagawa kayo ng mabuti, ito ay inyong tinitiis, ito ay katanggap-tanggap sa Diyos21 sapagkat kayo ay tinawag para rito dahil si Cristo rin ay naghirap alang-alang sa atin at nag-iwan sa atin ng halimbawa upang kayo ay sumunod sa kaniyang mga yapak.22 “Siya ay hindi nagkasala at walang natagpuang pandaraya sa kaniyang bibig.” Isa 53:923 Bagaman siya ay nilait, siya ay hindi nanlait. Nang siya ay nahirapan, siya ay hindi nagbanta, sa halip ay ipinagkatiwala niya ang kaniyang sarili sa kaniya na humahatol ng matuwid.24 Siya mismo ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang sariling katawan sa kahoy, upang tayo na mga patay sa kasalanan ay mabuhay sa katuwiran, at dahil sa kaniyang latay ay gumaling kayo25 sapagkat kayo ay katulad ng mga tupang naliligaw, ngunit ngayon ay nanumbalik kayo sa pastol at tagapangasiwa ng inyong mga kaluluwa. John 131 Bago dumating ang Pista ng Paglagpas, alam ni Jesus na ang kaniyang oras ay dumating na upang siya ay lumisan sa sanlibutang ito patungo sa Ama. Inibig niya ang mga sa kaniya na nasa sanlibutang ito, sila ay inibig niya hanggang sa wakas.2 At nang natapos ang hapunan ay inilagay na nga ng diyablo sa puso ni Judas, ang taga-Keriot na anak ni Simon, na ipagkanulo si Jesus.3 Alam ni Jesus na ibinigay na ng Ama ang lahat ng mga bagay sa kaniyang mga kamay. Siya ay galing sa Diyos at babalik sa Diyos.4 Siya ay tumindig mula sa hapunan at itinabi ang kaniyang mga kasuotan at kumuha siya ng tuwalya at binigkisan ang kaniyang sarili.5 Pagkatapos ay nagbuhos siya ng tubig sa palanggana at nagsimulang hugasan ang mga paa ng mga alagad at punasan ng tuwalyang nakabigkis sa kaniya.6 Nang lumapit siya kay Simon Pedro at sinabi ni Pedro, “Panginoon, huhugasan mo ba ang aking mga paa?”7 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Ang aking ginagawa ay hindi mo nauunawaan sa ngayon, ngunit malalaman mo pagkatapos ng mga ito.”8 Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Kailanman ay hindi mo huhugasan ang aking mga paa.” Sumagot si Jesus sa kaniya, “Kung hindi kita huhugasan, wala kang bahagi sa akin.”9 Sinabi ni Simon Pedro sa kaniya, “Panginoon, hindi lamang ang aking mga paa kundi gayundin ang aking mga kamay at ulo.”10 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ang napaliguan na ay hindi na kailangang hugasan maliban sa kaniyang mga paa. Ngunit siya ay lubos nang malinis. Kayo ay malinis na bagaman hindi ang lahat.”11 Alam niya kung sino ang magkakanulo sa kaniya kaya sinabi niya, “Hindi ang lahat sa inyo ay malinis.”12 Pagkatapos niyang hugasan ang kanilang mga paa, kinuha niya ang kaniyang mga kasuotan, muli siyang umupo at sinabi niya sa kanila, “Nalalaman ba ninyo kung ano ang ginawa ko sa inyo?13 Tinatawag ninyo akong Guro at Panginoon. Tama ang sinasabi ninyo sapagkat ako nga.14 Yamang ako na inyong Panginoon at Guro ay naghugas ng inyong mga paa, dapat din nga ninyong hugasan ang mga paa ng isa't isa.15 Binigyan ko kayo ng halimbawa upang inyong gawin ang katulad ng ginawa ko sa inyo.16 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, ang alipin ay hindi higit na dakila kaysa sa kaniyang panginoon, ni ang sugo ay hindi higit na dakila kaysa sa nagsugo sa kaniya.17 Kung alam na ninyo ang mga bagay na ito ay pinagpala kayo kung gagawin ninyo ang mga ito.18 “Hindi ako nagsasalita patungkol sa inyong lahat. Kilala ko ang aking mga hinirang, ngunit upang matupad ang Kasulatan, ‘Ang kumakain ng tinapay na kasama ko ang siyang nagtaas ng kaniyang sakong laban sa akin.’ Awi 41:919 Ngayon ay sinasabi ko sa inyo bago ito dumating, upang kung ito ay darating, kayo ay sasampalataya na ako iyon.20 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, siya na tumatanggap sa sinumang isusugo ko ay tumatanggap sa akin, at siya na tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa kaniya na nagsugo sa akin.”21 Pagkasabi ni Jesus ng mga bagay na ito, nabalisa siya sa espiritu. Siya ay nagpatotoo at nagsabi, “Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, isa sa inyo ang magkakanulo sa akin.”22 Kaya nagtinginan ang mga alagad sa isa't isa na naguguluhan kung sino ang tinutukoy niya.23 Mayroon ngang nakasandal sa dibdib ni Jesus na isa sa kaniyang mga alagad, siya ang iniibig ni Jesus.24 Hinudyatan siya ni Simon Pedro upang tanungin si Jesus kung sino ang kaniyang tinutukoy.25 Sa pagsandal niya sa dibdib ni Jesus, sinabi niya, “Panginoon, sino siya?”26 Sumagot si Jesus, “Siya ang bibigyan ko ng isang subo ng tinapay pagkatapos ko itong maisawsaw.” Nang naisawsaw niya ang isang subo ng tinapay, ibinigay niya iyon kay Judas na taga-Keriot na anak ni Simon.27 Pagkatapos ng isang subo ng tinapay, pumasok sa kaniya si Satanas. Sinabi nga ni Jesus sa kaniya, “Kung ano ang iyong gagawin ay gawin mo kaagad.”28 Walang sinuman sa mga nakaupo sa hapag ang nakakaunawa kung bakit niya iyon sinabi sa kaniya29 dahil inakala ng ilan sa kanila na yamang si Judas ang may hawak ng supot ng salapi ay sinabi ni Jesus sa kaniya, “Bumili ka ng mga kakailanganin natin para sa kapistahan,” o para sa mga dukha upang mayroon siyang maibigay.30 Kaya pagkatanggap niya ng isang subo ay umalis siya kaagad, at noon ay gabi na.31 Kaya nga, nang nakaalis na siya, sinabi ni Jesus, “Ngayon ay naluwalhati ang Anak ng Tao at ang Diyos ay naluwalhati sa kaniya.32 Kung ang Diyos ay naluwalhati sa kaniya, luluwalhatiin din siya ng Diyos sa kaniyang sarili. At siya ay kaagad niyang luluwalhatiin.33 Munting mga anak, makakasama ninyo ako nang kaunting panahon na lamang at hahanapin ninyo ako. At kagaya ng sinabi ko sa mga Judio, ‘kung saan ako pupunta ay hindi ninyo magagawang pumunta.’ Ngayon ganito rin ang sinasabi ko sa inyo.34 Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo na mag-ibigan kayo sa isa't isa. Kung paanong inibig ko kayo, mag-ibigan din kayo sa isa't isa.35 Sa pamamagitan nito ay malalaman ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad kung nagtataglay kayo ng pag-ibig sa isa't isa.”36 Sinabi ni Simon Pedro sa kaniya, “Panginoon, saan ka pupunta?” Sumagot si Jesus sa kaniya, “Sa ngayon, sa pupuntahan ko ay hindi ka makakasunod sa akin, ngunit susunod ka sa akin pagkatapos.”37 Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Panginoon, bakit hindi ako makakasunod sa iyo ngayon? Iaalay ko ang aking buhay alang-alang sa iyong kapakanan.”38 Sumagot si Jesus sa kaniya, “Iaalay mo ang iyong buhay alang-alang sa aking kapakanan? Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, hindi titilaok ang tandang hanggang sa maipagkaila mo ako nang tatlong ulit. | |








