Kristuksen kiusaus
| Secondary Keywords | buhay Jeesus Jeesus Joulu maaga Ministeriö pahimakas tukso Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Luke 41 Si Jesus na puspos ng Banal na Espiritu ay bumalik mula sa Jordan at siya ay dinala ng Espiritu sa ilang 2 upang tuksuhin ng diyablo sa loob ng apatnapung araw, at siya ay hindi kumain ng anuman sa mga araw na iyon. Pagkatapos ng mga ito, siya ay nagutom. 3 At sinabi ng diyablo sa kaniya, “Yamang ikaw ang anak ng Diyos, sabihin mo sa batong ito na ito ay maging tinapay.” 4 Ngunit si Jesus ay sumagot sa kaniya na sinasabi, “Ito ang nasusulat, ‘Ang tao ay hindi mabubuhay sa tinapay lamang kundi sa bawat Salita ng Diyos.’ ” Deu 8:3 5 At nang dinala ng diyablo si Jesus patungo sa isang mataas na bundok, ipinakita niya sa kaniya ang lahat ng mga kaharian ng sanlibutan sa sandaling panahon. 6 At sinabi ng diyablo sa kaniya, “Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kapamahalaang ito at ang kaniyang kaluwalhatian sapagkat ibinigay na ito sa akin at ibibigay ko ito kung kanino ko nanaisin. 7 Kaya kung ikaw ay sasamba sa harapan ko, ang lahat ng mga ito ay magiging iyo.” 8 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Lumayo ka sa akin, Satanas! Sapagkat ito ang nasusulat, ‘Sasambahin mo ang Panginoon mong Diyos at siya lamang ang iyong paglilingkuran.’ ” Deu 6:13 9 At dinala ng diyablo si Jesus sa Jerusalem at pinatayo siya sa taluktok ng templo at sinabi niya sa kaniya, “Yamang ikaw ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka mula rito 10 sapagkat ito ang nasusulat, ‘Uutusan niya ang kaniyang mga anghel patungkol sa iyo upang ingatan ka,’ Awi 91:11 11 at ‘bubuhatin ka nila ng kanilang mga kamay upang hindi tumama sa bato ang iyong paa.’ ” Awi 91:12 12 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Ito ang sinabi, ‘Huwag mong tutuksuhin ang Panginoon mong Diyos.’ ” Deu 6:16 13 Pagkatapos ng lahat ng pagtukso, siya ay iniwan ng diyablo hanggang sa nakatakdang panahon. Mark 112 At kaagad siyang dinala ng Espiritu sa ilang. 13 Apatnapung araw siyang nanatili sa ilang at doon siya ay tinukso ni Satanas, at ang kasama niya roon ay mababangis na hayop. At pinaglingkuran siya ng mga anghel. Matthew 41 Pagkatapos nito, si Jesus ay dinala ng Banal na Espiritu sa ilang upang tuksuhin ng diyablo. 2 At pagkatapos niyang makapag-ayuno ng apatnapung araw at apatnapung gabi, siya ay nagutom. 3 At nang dumating sa kaniya ang manunukso ay sinabi nito, “Yamang ikaw ang Anak ng Diyos, sabihin mo sa mga batong ito na maging tinapay.” 4 Ngunit si Jesus ay sumagot na nagsasabi, “Ito ang nasusulat, ‘Ang tao ay hindi mabubuhay sa tinapay lamang kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos.’ ” Deu 8:3 5 Pagkatapos nito, siya ay dinala ng diyablo sa banal na lungsod at siya ay pinatayo sa taluktok ng templo 6 at sinabi niya sa kaniya, “Yamang ikaw ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka sapagkat ito ang nasusulat, ‘Uutusan niya ang kaniyang mga anghel para sa iyo’ at ‘bubuhatin ka ng kanilang mga kamay upang hindi tatama sa bato ang iyong paa.’ ” Awi 91:11-12 7 Sumagot si Jesus sa kaniya, “Muli, ito ang nasusulat, ‘Huwag mong tutuksuhin ang Panginoon mong Diyos.’ ” Deu 6:16 8 Siya ay muling dinala ng diyablo sa isang napakataas na bundok at ipinakita sa kaniya ang lahat ng mga kaharian ng sanlibutan at ang kaluwalhatian ng mga ito, 9 at sinabi niya sa kaniya, “Lahat ng mga bagay na ito ay ibibigay ko sa iyo kung ikaw ay magpatirapa at sasamba sa akin.” 10 Pagkatapos nito, sinabi ni Jesus sa kaniya, “Satanas, lumayo ka! Sapagkat ito ang nasusulat, ‘Sasambahin mo ang Panginoon mong Diyos at siya lamang ang iyong paglilingkuran.’ ” Deu 6:13 11 Pagkatapos nito, siya ay iniwan ng diyablo, at narito, lumapit ang mga anghel at pinaglingkuran siya. |








