18 dahil una nga sa lahat, kapag kayo ay nagtitipun-tipon sa iglesiya, naririnig ko na mayroong pagkabaha-bahagi sa inyo at pinaniniwalaan ko ang ilang bahagi.19 Sapagkat hindi maiwasang magkaroon din ng mga pangkat sa inyo upang sila na mga katanggap-tanggap sa Diyos ay mahayag.
1 Corinthians 1
10 Ngayon mga kapatid, isinasamo ko sa inyo sa pamamagitan ng pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo na kayong lahat ay magkaisa sa mga sasabihin ninyo at huwag magkaroon ng pagkabaha-bahagi sa inyo. Sa halip ay lubos kayong magkasundo sa isang kaisipan at sa isang pagpapasya,