19 Kaya nga, hindi na kayo mga dayuhan at mga banyaga subalit mga mamamayang kasama ng mga banal at kabilang sa sambahayan ng Diyos.20 At kayo ay itinayo sa ibabaw ng saligan ng mga apostol at ng mga propeta, at si Jesu-Cristo mismo ang siyang pangunahing batong-panulok,21 na sa kaniya ang lahat ng bahagi ng gusali na sama-samang pinaghugpong ay lumalago upang maging isang banal na dako ng templo sa Panginoon.22 Sa kaniya rin kayo ay sama-samang itinayo upang maging tirahan ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu.