1 Kaya mga kapatid, sa pamamagitan ng mga kaawaan ng Diyos ay isinasamo ko sa inyo na iharap ninyo sa Diyos ang inyong mga katawan bilang haing buhay, banal at kalugud-lugod sa Diyos, na siyang inyong makatwirang pagsamba sa Diyos.2 At huwag kayong makiayon sa kapanahunang ito, sa halip ay mabago kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong kaisipan upang mapatunayan ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban ng Diyos.