Tule luokseni
| Secondary Keywords | dumating Että Jesus kawalan ng pananampalataya pagod pahimakas pahinga taon Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Luke 1815 At dinala rin nila sa kaniya ang mga sanggol upang sila ay mahawakan niya. Ngunit nang nakita ito ng mga alagad, sila ay kanilang sinaway. 16 Ngunit tinawag sila ni Jesus sa kaniya at sinabi, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang maliliit na bata at huwag ninyo silang pigilan sapagkat ang paghahari ng Diyos ay para sa mga katulad nila. 17 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, ang sinumang hindi tatanggap sa paghahari ng Diyos katulad ng isang maliit na bata ay hinding-hindi makakapasok doon.” Mark 1013 At dinala nila kay Jesus ang maliliit na bata upang sila ay kaniyang mahawakan, ngunit sinaway ng mga alagad ang mga nagdadala sa mga bata. 14 Subalit labis na nagalit si Jesus nang nakita ito, at sinabi niya sa kanila, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang maliliit na bata at huwag ninyo silang hadlangan, sapagkat sa mga katulad nila nauukol ang paghahari ng Diyos. 15 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, ang sinumang hindi tatanggap sa paghahari ng Diyos katulad ng isang maliit na bata ay hinding-hindi makakapasok doon.” 16 At nang sila ay nayakap ni Jesus, sila ay pinagpala niya nang kaniyang ipinatong ang kaniyang mga kamay sa kanila. Matthew 1120 Pagkatapos nito, siya ay nagsimulang sumbatan ang mga lungsod kung saan naganap ang pinakamarami sa kaniyang makapangyarihang mga gawa, sapagkat hindi sila nagsisi. 21 “Sa iyong aba, Corazin! Sa iyong aba, Betsaida! Sapagkat kung ang mga makapangyahirang gawa na nangyari sa inyo ay nangyari sa Tiro at Sidon, sila ay matagal na sanang nagsisi na nasa kasuotang-sako at abo. 22 Gayunpaman, sinasabi ko sa inyo, magiging mas madaling tiisin ang sa Tiro at sa Sidon sa araw ng paghuhukom kaysa sa inyo. 23 At ikaw Capernaum, ikaw na itinaas hanggang sa langit, ikaw ay ibababa hanggang sa Hades sapagkat kung ang mga makapangyarihang gawa na nangyari sa iyo ay nangyari sa Sodoma, nananatili sana sila hanggang sa araw na ito. 24 Gayunpaman ay sinasabi ko sa inyo na magiging mas madaling tiisin ang sa lupain ng Sodoma sa araw ng paghuhukom kaysa sa inyo.” 25 Sa panahong iyon, si Jesus ay sumagot at sinabi, “O Ama, ipinagbubunyi kita, Panginoon ng langit at ng lupa, sapagkat itinago mo ang mga bagay na ito mula sa matatalino at marurunong, ngunit ipinahayag mo ang mga ito sa mga sanggol. 26 Gayon nga Ama, sapagkat ito nga ay naging kaluguran sa iyong paningin. 27 Ang lahat ay ipinagkaloob sa akin ng aking Ama at walang sinumang lubos na nakakakilala sa Anak kundi ang Ama, ni walang sinumang lubos na nakakakilala sa Ama kundi ang Anak, at sa sinumang ibig na pagpahayagan ng Anak. 28 Pumarito kayo sa akin, kayong lahat na nagpapagal at nabibigatang lubha, bibigyan ko kayo ng kapahingahan. 29 Pasanin ninyo ang aking pamatok at matuto kayo sa akin sapagkat ako ay maamo at mapagpakumbaba sa puso, at masusumpungan ninyo ang kapahingahan sa inyong mga kaluluwa 30 sapagkat ang aking pamatok ay madali at ang aking pasanin ay magaan.” Matthew 1913 Pagkatapos nito, dinala sa kaniya ang maliliit na bata upang maipatong niya ang kaniyang kamay sa kanila at sila ay ipanalangin ngunit sila ay sinaway ng mga alagad. 14 Ngunit sinabi ni Jesus, “Pahintulutan ninyo ang maliliit na bata at huwag ninyo silang hadlangang makalapit sa akin sapagkat para sa mga katulad nila ang paghahari ng langit.” 15 At pagkatapos niyang ipinatong ang kaniyang mga kamay sa kanila, siya ay umalis doon. |