22 “Gayunpaman, sinabi ng ama sa kaniyang mga alipin, ‘Dalhin ninyo ang pinakamainam na kasuotan at isuot ninyo ito sa kaniya, at magbigay kayo ng singsing para sa kaniyang kamay at mga pangyapak para sa kaniyang mga paa.23 Magdala rin kayo ng pinatabang guya at katayin ninyo ito at tayo ay kakain at magkasayahan habang kumakain24 sapagkat ang anak kong ito ay patay ngunit nabuhay muli, siya ay napahamak at natagpuan.’ At sila ay nagsimulang magkasayahan.