Vintage-kuva siitä, että Jeesus pitää poikaa polion kanssa, joka on pukeutunut jalkavarsiin ja hymyilevä perhe seisoo heidän vieressään. Pilviä taustalla.
2 Minamahal, hinahangad ko na sumagana ka sa lahat ng mga bagay at maging malusog tulad ng pinasasagana ang iyong kaluluwa.
Isaiah 53
4 Tunay na kaniyang dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan; gayon ma'y ating pinalagay siya na hinampas, sinaktan ng Dios, at dinalamhati.5 Nguni't siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya; at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo.
James 5
14 Mayroon bang maysakit sa inyo? Hayaang ipatawag niya ang matatanda sa iglesiya at hayaang sila ay manalangin para sa kaniya at siya ay pahiran ng langis ng olibo sa pangalan ng Panginoon.15 Ang panalanging may pananampalataya ang magpagagaling sa maysakit at siya ay ibabangon ng Panginoon, at kung siya ay nakagawa ng mga kasalanan, ito ay ipapatawad sa kaniya.
Matthew 12
15 Ngunit nang nalaman ito ni Jesus, siya ay umalis doon subalit ang lubhang napakaraming tao ay sumunod sa kaniya at silang lahat ay pinagaling niya.
Psalm 103
1 Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko: at lahat na nangasa loob ko ay magsisipuri sa kaniyang banal na pangalan.2 Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko, at huwag mong kalimutan ang lahat niyang mabubuting gawa.3 Na siyang nagpapatawad ng iyong lahat na mga kasamaan; na siyang nagpapagaling ng iyong lahat na mga sakit;
Psalm 107
20 Sinugo niya ang kaniyang salita, at pinagaling sila, at iniligtas sila sa kanilang mga ikapapahamak.