Kohtaa syntisiä tekoja
| Secondary Keywords | makasalanan pahimakas Roma titik Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | 1 Thessalonians 51 Ngunit, mga kapatid, hindi na kinakailangang sumulat ako sa inyo patungkol sa mga panahon at mga kapanahunan 2 sapagkat kayo mismo ang lubos na nakaalam na ang Araw ng Panginoon ay dumarating katulad ng pagdating ng magnanakaw sa gabi. 3 Dahil kapag sinasabi nila, “Kapayapaan at katiwasayan!” pagkatapos nito ay biglang darating sa kanila ang pagkawasak katulad ng pagkakaroon ng matinding paghihirap sa sinapupunan, at sila ay hindi makakatakas kailanman. 4 Ngunit kayo, mga kapatid, ay wala sa kadiliman upang ang Araw na iyon ay biglang dumating sa inyo katulad ng pagdating ng magnanakaw. 5 Kayong lahat ay mga anak ng liwanag at mga anak ng araw. Tayo ay hindi mga anak ng gabi o ng kadiliman. 6 Kaya nga, huwag tayong matulog katulad ng iba, subalit tayo ay maging mapagbantay at maging maayos ang pag-iisip, 7 sapagkat sila na mga natutulog ay natutulog sa gabi at sila na mga manginginom ng alak ay naglalasing sa gabi. 8 Dahil tayo ay sa araw, dapat maging maayos ang ating pag-iisip habang nakasuot sa atin ang pandibdib na baluti ng pananampalataya at ang pag-ibig at ang helmet ng pag-asa ng kaligtasan, 9 sapagkat tayo ay hindi itinalaga ng Diyos para sa poot kundi para magtamo ng kaligtasan sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo 10 na siyang namatay para sa atin upang tayo rin ay mabuhay na kasama niya, kahit tayo man ay gising o tayo man ay tulog. 11 Dahil dito, palakasin ninyo ang loob ng bawat isa at patatagin ninyo ang isa't isa katulad din ng inyong ginagawa. 12 Ngunit kami ay humihiling sa inyo, mga kapatid, na inyong kilalanin yaong mga nagpapagal sa inyo at nangunguna sa inyo sa Panginoon at nagbibigay ng babala sa inyo, 13 at sila ay labis ninyong pahalagahan sa pag-ibig dahil sa kanilang gawa, at magkaroon kayo ng kapayapaan sa kalagitnaan ninyo. 14 Ngunit kami ay sumasamo sa inyo, mga kapatid, bigyan ninyo ng babala ang mga suwail, palakasin ninyo ang loob ng mga nanglulupaypay, tulungan ninyo ang mahihina at magtiyaga kayo sa lahat. 15 Ingatan ninyo na walang sinumang gaganti ng masama sa masama, sa halip ay palagi ninyong pagsikapan ang mabuti para sa isa't isa at para sa lahat. 16 Magalak kayong palagi. 17 Manalangin kayong walang patid. 18 Magpasalamat kayo sa lahat ng bagay sapagkat ito ang kalooban ng Diyos kay Cristo Jesus para sa inyo. 19 Huwag ninyong patayin ang ningas ng Espiritu. 20 Huwag ninyong hamakin ang mga paghahayag. 21 Suriin ninyo ang lahat ng mga bagay. Hawakan ninyo ang mabuti. 22 Layuan ninyo ang lahat ng anyo ng kasamaan. 23 Ngayon, ang Diyos mismo ng kapayapaan ang ganap na magpaging-banal nawa sa inyo, at ang inyong espiritu at kaluluwa at katawan ay maingatan nawang buo na walang kapintasan sa pagdating ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 24 Siya na tumatawag sa inyo ay matapat at siya rin ang gagawa nito. 25 Mga kapatid, ipanalangin ninyo kami. 26 Batiin ninyo ang lahat ng mga kapatid sa pamamagitan ng banal na halik. 27 Iniuutos ko sa inyo sa pamamagitan ng Panginoon na basahin ang sulat na ito sa lahat ng banal na mga kapatid. 28 Ang biyaya ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay sumainyo. Siya nawa. |








